Asawa ni Frank Gregorio, humagulgol sa kanyang unang video interview

Asawa ni Frank Gregorio, humagulgol sa kanyang unang video interview

- Ang ginawang pagpatay ni SMSgt. Jonel Nuezca sa isang mag-ina sa Paniqui, Tarlac ay nagpa-lungkot sa maraming tao

- Nagpa-interview na ang isa sa mga naulila – si Ronalyn Gregorio, asawa ng biktimang si Frank Anthony Gregorio

- Hindi makapaniwala si Ronalyn nang mabalitaan ang nangyari sa kanyang asawa

- Nahihirapan siyang tanggapin ang nangyari lalo na’t mayroon silang 1-taong-gulang na anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Maraming nagdadalamhati dahil sa ginawang pagpatay ni SMSgt. Jonel Nuezca sa isang mag-ina sa Paniqui, Tarlac.

Asawa ni Frank Gregorio, humagulgol sa kanyang unang video interview
Photo: Jonel Nuezca (via Peach Prosa)
Source: Facebook

Binaril ni Nuezca si Sonia Gregorio, 52, at ang anak nitong si Frank Anthony Gregorio, 25, matapos mag-away sa bahay ng mga biktima.

Isa sa mga naulila ay si Ronalyn Gregorio, asawa ni Frank Anthony, na na-interview ng 24 Oras ng GMA ukol sa trahedya.

Ayon kay Ronalyn, hindi siya makapaniwala nang mabalitaan ang nangyari sa kanyang asawa. Naniwala na lamang siya nang makita ang video ng insidente.

Read also

Jonel Nuezca, nagpayahag ng pagsisisi sa unang interview

Dagdag pa nya, nahihirapan siyang tanggapin ang nangyari lalo na’t mayroon silang 1-taong-gulang na anak.

Pinuri rin ni Ronalyn ang pagiging masipag sa trabaho at maalagang padre de pamilya ni Frank. Problema rin ngayon ni Ronalyn ang pagkukuhanan niya ng pang-tustos sa gamot ng kanyang sakit sa puso.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

“Sabi sa akin, ‘Wag kang mabibigla… Si mama at si Anton wala na.’ Umiyak po ako pero hindi po ako naniniwala nang sinabi nya pong ganun.
“Pero nung napanood ko po yung video, dun na po. Sobrang sakit po, hindi ko po matanggap. Lalong-lalo na ngayong lumalaki na yung anak nya.
“Wala na po ako masasabi pa sa asawa ko, sobrang sipag nya at nag-aalaga sa aming mag-ina.
“Kaya humihingi po ako ng hustisya para sa biyenan ko at lalong-lalo na sa asawa ko.

Read also

Raffy Tulfo, nagpaabot ng tulong sa mga naulila ng mag-inang Gregorio

“Humihingi rin po ako ng kaunting tulong para rin po sa sakit ko po,” sinabi ni Ronalyn sa 24 Oras.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Jonel Nuezca ay ang suspek sa pagbaril sa mag-inang Sonya at Frank Anthony Gregorio sa Paniqui, Tarlac. Isa siyang pulis na assigned sa Parañaque City Crime laboratory.

Naging laman siya ng headlines matapos kumalat ang video ng kanyang pag-paslang sa nasabing mag-ina. Makikita sa video na nakayakap si Sonya sa kanyang anak nang sila ay barilin ng pulis.

Tumakas noong una si Nuezca pero ito ay sumuko rin sa mga awtoridad sa Pangasinan. Ito ay kinumpirma ni Paniqui Police Chief Lt. Col. Noriel Rombaoa.

Ang pinagmulan ng away nila Nuezca at ang Gregorio family ay ukol sa “right-of-way” at sa “boga.” Ang boga ay isang noisemaker na gawa mula sa PVC pipe.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel