Gregorio family members, pinuri ang ugali nila Sonia at Frank Anthony

Gregorio family members, pinuri ang ugali nila Sonia at Frank Anthony

- Nagulat ang maraming Pilipino sa pagpaslang ni SMSgt. Jonel Nuezca sa isang mag-ina sa Paniqui, Tarlac

- Ang mag-inang biktima ay sina Sonia Gregorio, 52, at ang anak nitong si Frank Anthony Gregorio, 25

- Inalala ng asawa ni Sonia na maagang gumigising ito upang uminom ng kape kasama niya at mag-alaga ng mga halaman

- Ayon naman sa anak na babae ni Florentino, mapag-mahal at mapag-bigay na kapatid si Frank Anthony

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naging malaking balita sa buong bansa ang pagpatay ni SMSgt. Jonel Nuezca sa isang mag-ina sa Paniqui, Tarlac.

Gregorio family members, pinuri ang ugali nila Sonia at Frank Anthony
Photo: Jonel Nuezca (via Peach Prosa)
Source: Facebook

Binaril ni Nuezca si Sonia Gregorio, 52, at ang anak nitong si Frank Anthony Gregorio, 25, matapos mag-away sa bahay ng mga biktima.

Si Florentino Gregorio, asawa ni Sonia at ama ni Frank, ay nagkwento sa ANC at TV Patrol ng ABS-CBN ukol sa relasyon nilang mag-asawa.

Read also

Frank Anthony Gregorio, may naulila palang partner at 1-year-old na anak

Ayon kay Florentino, maagang gumigising si Sonia upang uminom ng kape kasama niya at mag-alaga ng mga halaman.

“Maaga gigising yan, alas tres. Dalawang kape kaagad titimplahin nya. Tapos nun, ‘Papa, dito tayo sa terrace.’ Mag-aayos ng halaman ‘yan.
“Unang gising ko nga, hinanap ko sya, akala ko andoon pa sya,” sinabi ni Florentino.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ipinahayag naman ng anak na babae ni Florentino at Sonia na mapag-mahal at mapag-bigay na kapatid si Frank Anthony.

“Mapagmahal po syang kapatid. Kahit yung walang-wala na sya, ibibigay pa rin po nya sa amin,” ayon sa kapatid ni Frank.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Jonel Nuezca ay ang suspek sa pagbaril sa mag-inang Sonya at Frank Anthony Gregorio sa Paniqui, Tarlac. Isa siyang pulis na assigned sa Parañaque City Crime laboratory.

Read also

Interview of Sonya’s husband goes viral; expresses sympathy for cop’s family

Naging laman siya ng headlines matapos kumalat ang video ng kanyang pagpaslang sa nasabing mag-ina. Makikita sa video na nakayakap si Sonya sa kanyang anak nang sila ay barilin ng pulis.

Tumakas noong una si Nuezca pero ito ay sumuko rin sa mga awtoridad sa Pangasinan. Ito ay kinumpirma ni Paniqui Police Chief Lt. Col. Noriel Rombaoa.

Ang pinag-mulan ng away nila Nuezca at ang Gregorio family ay ukol sa “right-of-way” at sa “boga.” Ang boga ay isang noisemaker na gawa mula sa PVC pipe.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel