Anak na itinanggi ng ama sa loob ng 20 taon, masayang kinilala na siya ngayon

Anak na itinanggi ng ama sa loob ng 20 taon, masayang kinilala na siya ngayon

- Nagkita na sina Merilyn Develles at Rene Majadas matapos na makumpirmang sila nga ay mag-ama

- Sa tulong ng programa ni Raffy Tulfo, napa-DNA ang mag-ama at doon napag-alamang ama nga ni Merilyn si Rene

- Nang una kasing mahanap ni Merilyn ang ama sa social media ay itinanggi pa siya nito dahil hiwalay na sila noon ng ina ni Merilyn

- Nabigyan ng oras na magkausap ang mag-ama at nangako itong dadalaw na madalas sa kanyang mga anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naging madamdamin ang pagkikita ng mag-amang sina Merilyn Develles at ama nitong si Rene Majadas.

Nalaman ng KAMI na matapos na makumpirma ng programa ni Raffy Tulfo na mag-ama nga ang dalawa dahil sa ipina-DNA nila ang mga ito, tinulungan din nila na magkasama ang dalawa makalipas ang 20 taong hindi pagkikita.

Raffy Tulfo, nagpaabot ng tulong sa mga naulila ng mag-inang Gregorio

Matatandaang si Merilyn ang anak na humingi ng tulong sa 'Wanted sa Radyo' dahil sa itinatanggi umano siya ng amang si Rene.

Anak na itinanggi ng ama sa loob ng 20 taon, masayang kinilala na siya ngayon

Photo: @raffytulfoinaction
Source: Instagram

Napakasakit nito para kay Merilyn lalo na at mula nang isilang ay wala siyang kinagisnang ama. Sa tuwing tatanungin naman niya ang kanyang ina, lagi nitong sinasabing wala na ang ama.

Dahil sa social media, nahanap ni Merilyn si Rene. Tinulungan din siya ng tiyo niyang minsan nang tumira kina Rene.

Sa umpisa'y hindi masabi ni Rene na siya nga ang ama ni Merilyn dahil nang ipinagbubuntis ito ng ina at hiwalay na ito sa kanya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Kaya naman nang makumpirma ng DNA na mag-ama sila, gumawa ng paraan ang programa ni Tulfo na magkita ang mag-ama gayundin ang nakatatandang kapatid ni Merilyn.

Walang pagsidlan ng kaligayahan ang mag-aama na makalipas ang dalawang dekada ay nakilala ang isa't isa. Babawi raw ang ama sa mga oras na nawala sa kanila at madalas na bibisita sa kanyang mga anak.

Kaanak ng misis ni Nuezca, ibinahagi kay Raffy Tulfo ang ugali ng mag-asawa

Narito ang kabuuan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube channel:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Pinangungunahan din niya ang dalawa pang programa sa TV5 na 'Idol in Action' at 'Frontline Pilipinas'. Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan mahigit 17.4 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

Kamakailan ay natulungan din ni Tulfo ang isang dialysis patient na single parent upang magkaroon ito ng mapagkakakitaan kahit na iniwan na ito ng asawa.

Gayundin ang isang ama na nagpapagamot ng anak na may stage 3 cancer. Naabutan din sila ng tulong ni Tulfo lalo na at dumayo pa sila ng Maynila, maipagamot lamang ang anak.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel