25-year-old na pinatay ng pulis, may naulilang partner at 1-year-old na anak

25-year-old na pinatay ng pulis, may naulilang partner at 1-year-old na anak

- Binaril ni Jonel Nuezca si Sonya Gregorio, 52, at ang anak nitong si Frank Anthony Gregorio, 25

- Si Tatay Florentino Gregorio, asawa ni Sonya at tatay ni Frank Anthony, ay nag-kwento sa Teleradyo na naulila rin ang 1-year-old na anak na babae ni Frank Anthony

- Ayon kay Florentino, kinailangang pumunta sa Tarlac si Frank upang magtrabaho

- Uuwi raw sana si Frank Anthony ngayong Pasko sa Pangasinan upang makasama ang kanyang anak

- Ang widow ni Frank Anthony na si Ronalyn Cariaga ay makikitang umiiyak sa burol ng namayapang partner sa isang Facebook post

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Patuloy ang pagdating ng updates ukol sa walang habas na pagpaslang ni SMSgt. Jonel Nuezca sa mag-ina sa Paniqui, Tarlac.

Binaril ni Nuezca si Sonya Gregorio, 52, at ang anak nitong si Frank Anthony Gregorio, 25, matapos mag-away sa bakuran ng mga biktima.

Interview of Sonya’s husband goes viral; expresses sympathy for cop’s family
25-year-old na pinatay ng pulis, may naulilang partner at 1-year-old na anak

Photo: Jonel Nuezca (via Peach Prosa)
Source: Facebook

Naulila dahil sa krimen si Tatay Florentino Gregorio, asawa ni Sonya at tatay ni Frank Anthony.

Ayon sa interview ni Florentino sa Teleradyo ng ABS-CBN, naulila rin ang 1-year-old na anak na babae ni Frank Anthony sa Pangasinan.

Kinailangang pumunta sa Tarlac si Frank upang magtrabaho at uuwi sana siya ngayong Pasko sa Pangasinan upang makasama ang kanyang anak.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

“May pamilya po ‘yang naiwan sa Pangasinan. Kaiisang taon lang po ng anak niya noong September. Matagal na niya pong gustong makauwi ngayong paskong ito para makasama niya.”
“Kasi po doon [sa Pangasinan], wala siyang magiging trabaho kundi maghihintay lang po ng kung kailan [magkakaroon]. Kasi po ang anak kong iyan sanay sa hirap, kaya kahit sa paglelabor lang po sa construction kinakaya niya, pinapasok niya,” ikwinento ni Florentino sa Teleradyo.
Catanduanes town police chief blames Aling Sonya; Town mayor reacts

Sa Facebook post ng The Philippine Star, ang widow ni Frank Anthony na si Ronalyn Cariaga ay makikitang umiiyak sa burol ng namayapang partner.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Jonel Nuezca ay ang suspek sa pagbaril sa mag-inang Sonya at Frank Anthony Gregorio sa Paniqui, Tarlac. Isa siyang pulis na assigned sa Parañaque City Crime laboratory.

Naging laman siya ng headlines matapos kumalat ang video ng kanyang pagpaslang sa nasabing mag-ina. Makikita sa video na nakayakap si Sonya sa kanyang anak nang sila ay barilin ng pulis.

Tumakas noong una si Nuezca pero ito ay sumuko rin sa mga awtoridad sa Pangasinan. Ito ay kinumpirma ni Paniqui Police Chief Lt. Col. Noriel Rombaoa.

Ang pinagmulan ng away nila Nuezca at ang Gregorio family ay ukol sa “right-of-way” at sa “boga.” Ang boga ay isang noisemaker na gawa mula sa PVC pipe.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel