Interview of Sonya’s husband goes viral; expresses sympathy for cop’s family

Interview of Sonya’s husband goes viral; expresses sympathy for cop’s family

- Pinaslang ni SMSgt. Jonel Nuezca sina Sonya Gregorio, 52, at ang anak nitong si Frank Anthony Gregorio, 25

- Si Tatay Florentino Gregorio, asawa ni Sonya at tatay ni Frank Anthony, ay kinausap ng News5 ukol dito

- Sinabi Florentino na hindi raw dapat i-bash ang pamilya ng pulis na suspek

- Pagmamalasakit pa rin sa pamilya ni Nuezca ang nanaig sa kanya kahit siya ay nagdadalamhati

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si SMSgt. Jonel Nuezca ay ikinulong dahil sa walang awang pagpaslang niya sa mag-ina sa Paniqui, Tarlac.

Binaril ni Nuezca si Sonya Gregorio, 52, at ang anak nitong si Frank Anthony Gregorio, 25, matapos mag-away sa bahay ng mga biktima.

Interview of Sonya’s husband goes viral; expresses sympathy for cop’s family

Photo: Jonel Nuezca (via Peach Prosa)
Source: Facebook

Naulila dahil sa krimen si Tatay Florentino Gregorio, asawa ni Sonya at tatay ni Frank Anthony.

Sa video interview sa kanya ng News5, sinabi ni Florentino na hindi raw dapat i-bash ang pamilya ng pulis na suspek.

Catanduanes town police chief blames Aling Sonya; Town mayor reacts

Kahit siya ay nagdadalamhati, pagmamalasakit pa rin sa pamilya ni Nuezca ang nanaig sa kanya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Narito ang video interview sa kanya ng News5:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Jonel Nuezca ay ang suspek sa pagbaril sa mag-inang Sonya at Frank Anthony Gregorio sa Paniqui, Tarlac. Isa siyang pulis na assigned sa Parañaque City Crime laboratory.

Naging laman siya ng headlines matapos kumalat ang video ng kanyang pagpaslang sa nasabing mag-ina. Makikita sa video na nakayakap si Sonya sa kanyang anak nang sila ay barilin ng pulis.

Tumakas noong una si Nuezca pero ito ay sumuko rin sa mga awtoridad sa Pangasinan. Ito ay kinumpirma ni Paniqui Police Chief Lt. Col. Noriel Rombaoa.

Pamilya ng mag-inang pinaslang ng pulis, emosyonal sa burol ng mga biktima

Ang pinagmulan ng away nila Nuezca at ang Gregorio family ay ukol sa “right-of-way” at sa “boga.” Ang boga ay isang noisemaker na gawa mula sa PVC pipe.

Nakikiramay ang KAMI sa mga mahal sa buhay na naiwan nila Sonya at Frank Anthony Gregorio.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel