Kaanak ng misis ni Nuezca, ibinahagi kay Raffy Tulfo ang ugali ng mag-asawa

Kaanak ng misis ni Nuezca, ibinahagi kay Raffy Tulfo ang ugali ng mag-asawa

- Nakapanayam ni Raffy Tulfo ang pamangkin ng misis ni Jonel Nuezca, ang pulis sa viral video na pumaslang sa mag-inang Gregorio

- Sinabi ng kaanak na maging sila ay nagtataka kung paanong nakakalabas pa ng kulungan ang pulis gayung nababalitaan nilang dalawang beses na itong nakapatay

- Maging ang mga biyenan din ng pulis ay madalas niyang makaaway at hindi niya makasundo

- Laman din umano ng logbook ng barangay ang mag-asawa dahil mahilig umano ang mga itong magpa-barangay ng mga kapitbahay lalo na ang pamilya Gregorio

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isa sa mga nakapanayam ni Raffy Tulfo sa kanyang programa na Wanted sa Radyo ang pamangkin ng misis ni Jonel Nuezca, ang pulis na nakapaslang sa mag-inang Sonya at Frank Anthony Gregorio sa viral video.

Nalaman ng KAMI na maging ang kaanak na ito na si Dennis Lamorena ay saksi umano sa ugali at gawi ng mag-asawang Nuezca.

Kaanak ng mag-inang Gregorio, ibinahagi kay Raffy Tulfo ang kwento sa likod ng alitan

Kinumpirma nito na maging ang biyenan ni Nuezca ay hindi rin niya kasundo at madalas din niya itong maka-argumento.

Kaanak ng misis ni Nuezca, ibinahagi kay Raffy Tulfo ang ugali ng mag-asawa

Photo: Raffy Tulfo in Action
Source: Facebook

Nakarating din umano sa kanila ang balitang ilang beses nang nakapatay di umano ang pulis subalit maging sila ay nagtataka kung paano pa ito nakakalabas ng kulungan.

"May nabalitaan na lang po kami na may pinatay siya ulit pero di namin inalam kung sino basta nabalitaan na lang namin, hindi na lang kami umiimik" ani Lamorena.

"Iyon nga ang pinagtataka namin, Nagulat kami ba't nakakalabas siya e nakapatay na siya, bakit nakakalabas pa rin siya ng kulungan," dagdag pa niya.

Isa rin sa mga kinumpirma nito ang laging pagsama umano ng pulis sa kanyang mag-ina sa tuwing mayroon itong kinasasangkutang gulo.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Nabanggit din ni Lamorena na mahilig din umanong magpa-barangay ang pulis at pamilya nito ngunit sila naman umano ang hindi sumisipot sa patawag ng barangay.

Pulis sa viral video, nagsisisi sa nagawang krimen ayon sa Police official

"Mahilig silang magpabarangay sir Raffy, halos laman sila ng logbook ng barangay tapos si Ate Sonya pinababarangay nila, uma-attend si Ate Sonya ng ano sa barangay pero sila hindi uma-attend," dagdag pa ni Lamorena.

Ayon pa sa kaanak na ito ng misis ni Nuezca, malaki ang posibilidad na kaya mainit ang ulo di umano ng pulis sa mga Gregorio ay natalo ito sa kasong isinampa nila dahil sa usapin sa lupa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Pinangungunahan din niya ang dalawa pang programa sa TV5 na 'Idol in Action' at 'Frontline Pilipinas'. Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan mahigit 17.4 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

Raffy Tulfo, nangakong tututok sa kaso ng mag-inang pinaslang ng pulis sa viral video

Isa si Tulfo sa mga nangakong tutok din sa kaso ng mga Gregorio na walang awang pinaslang ng pulis na si Jonel Nuezca na nasapul sa video.

Sumuko na sa awtoridad si Nuezca na mahaharap sa double murder case.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel