Catanduanes town police chief blames Aling Sonya; Town mayor reacts

Catanduanes town police chief blames Aling Sonya; Town mayor reacts

- Si SMSgt. Jonel Nuezca ay ikinulong dahil pagpaslang niya sa mag-ina sa Paniqui, Tarlac

- Sina Sonya Gregorio, 52, at ang anak nitong si Frank Anthony Gregorio, 25, ang mga biktima

- Kontrobersyal naman ang reaksyon dito ng police chief sa Bato town sa Catanduanes na si Captain Ariel Buraga

- Pinost ni Buraga na kasalanan daw ni Sonya na binaril siya ni Nuezca dahil hindi niya nirespeto ang pulis

- Ni-request ni Bato town Mayor Juan Rodulfo sa Catanduanes Police Provincial Director na palitan si Buraga

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si SMSgt. Jonel Nuezca ay naging laman ng balita dahil sa walang awang pagpaslang niya sa mag-ina sa Paniqui, Tarlac.

Catanduanes town police chief blames Aling Sonya; Town mayor reacts
Photo: Peach Prosa
Source: Facebook

Binaril ni Nuezca si Sonya Gregorio, 52, at ang anak nitong si Frank Anthony Gregorio, 25, matapos mag-away sa bahay ng mga biktima.

Read also

Interview of Sonya’s husband goes viral; expresses sympathy for cop’s family

Nag-viral naman ngayon ang reaksyon dito ng police chief sa Bato town sa Catanduanes na si Captain Ariel Buraga.

Ayon kay Buraga, kasalanan daw ni Sonya na binaril siya ni Nuezca dahil hindi niya nirespeto ang pulis.

“Lesson learned. Kahit puti na ang buhok o ubanin na tayo eh matuto tayo rumispeto sa ating mga Kapulisan… Mahirap kalaban ang pagtitimpi at at pagpapasensya. RIP Nanay and Totoy,” sinabi ni Buraga.

Nang tanungin siya ng isang netizen kung pinaniniwalaan talaga niyang kasalanan ni Sonya ang nangyari sa kanya, kinumpirma nga ito Buraga.

Catanduanes town police chief blames Aling Sonya; Town mayor reacts

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Dahil dito, ni-request ni Bato town Mayor Juan Rodulfo kay Catanduanes Police Provincial Director PCol. Brian Castillo na palitan si Buraga bilang police chief ng Bato town dahil mukha raw biased ito sa kapulisan.

"We will highly appreciate if the PNP (Philippine National Police) could assign another Chief-of-Police in this municipality to assuage the fears of the constituents of this LGU (local government unit) of a seemingly biased chief-of-police whose loyalty it seems rests primarily with his fellow policemen than with the constituents in his area of responsibility," isinulat ng mayor.

Read also

Pulis sa viral video, nagsisisi sa nagawang krimen ayon sa Police official

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Jonel Nuezca ay ang suspek sa pagbaril sa mag-inang Sonya at Frank Anthony Gregorio sa Paniqui, Tarlac. Isa siyang pulis na assigned sa Parañaque City Crime laboratory.

Naging laman siya ng headlines matapos kumalat ang video ng kanyang pagpaslang sa nasabing mag-ina. Makikita sa video na nakayakap si Sonya sa kanyang anak nang sila ay barilin ng pulis.

Tumakas noong una si Nuezca pero ito ay sumuko rin sa mga awtoridad sa Pangasinan. Ito ay kinumpirma ni Paniqui Police Chief Lt. Col. Noriel Rombaoa.

Ang pinagmulan ng away nila Nuezca at ang Gregorio family ay ukol sa “right-of-way” at sa “boga.” Ang boga ay isang noisemaker na gawa mula sa PVC pipe.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel