Pamilya ng mag-inang pinaslang ng pulis, emosyonal sa burol ng mga biktima

Pamilya ng mag-inang pinaslang ng pulis, emosyonal sa burol ng mga biktima

- Emosyonal ang pamilya ng mag-ina sa Paniqui, Tarlac na pinaslang ni SMSgt. Jonel Nuezca

- Ang mga biktima ay sila Sonya Gregorio, 52, at ang anak nitong si Frank Anthony Gregorio, 25

- Ang video ng ABS-CBN News na kinuha sa burol ng mga kawawang biktima ay nag-viral na

- Sa nasabing video, matindi ang pag-hagulgol ng mga kaanak nila Sonya at Frank Anthony

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ang pamilya ng mag-ina sa Paniqui, Tarlac na pinaslang ni SMSgt. Jonel Nuezca ay talagang emosyonal sa nangyaring krimen.

Binaril ni Nuezca si Sonya Gregorio, 52, at ang anak nitong si Frank Anthony Gregorio, 25, matapos mag-away sa bahay ng mga biktima.

Pamilya ng mag-inang pinaslang ng pulis, emosyonal sa burol ng mga biktima

Photo: Peach Prosa
Source: Facebook

Nag-viral na ngayon ang video ng ABS-CBN News na kinuha sa burol ng mga kawawang biktima.

Mapapanood sa video ang matinding pag-hagulgol ng mga kaanak nila Sonya at Frank Anthony. Kitang-kita sa video ang pait at hinanakit na nadarama ng mga mahal sa buhay ng mga biktima. Dahil sa video, maraming netizens ang naging emosyonal din sa nakitang lungkot ng mga naulila.

Vice Ganda on Jonel Nuezca case: “Bumalik yung trauma ko”

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Narito ang viral video mula sa Facebook page ng ABS-CBN News:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Jonel Nuezca ay ang suspek sa pagbaril sa mag-inang Sonya at Frank Anthony Gregorio sa Paniqui, Tarlac. Isa siyang pulis na assigned sa Parañaque City Crime laboratory.

Naging laman siya ng headlines matapos kumalat ang video ng kanyang pagpaslang sa nasabing mag-ina. Makikita sa video na nakayakap si Sonya sa kanyang anak nang sila ay barilin ng pulis.

Tumakas noong una si Nuezca pero ito ay sumuko rin sa mga awtoridad sa Pangasinan. Ito ay kinumpirma ni Paniqui Police Chief Lt. Col. Noriel Rombaoa.

Ang pinag-mulan ng away nila Nuezca at ang Gregorio family ay ukol sa “right-of-way” at sa “boga.” Ang boga ay isang noisemaker na gawa mula sa PVC pipe.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel