Vice Ganda on Jonel Nuezca case: “Bumalik yung trauma ko”

Vice Ganda on Jonel Nuezca case: “Bumalik yung trauma ko”

- Si Police SMSgt. Jonel Nuezca ay naging laman ng mga balita matapos patayin ang isang mag-ina sa Paniqui, Tarlac

- Sinabi ni Vice Ganda na bumalik ang kanyang trauma nang mapanood ang video ng krimen dahil biktima rin ang kanyang sariling ama sa pamamaril

- Binaril at tuluyang namatay sa Manila ang barangay captain na ama ni Vice noong 1991

- Ayaw ni Vice na matulad sa pamilya niya ang Gregorio family dahil hindi nahuli at nakulong ang taong pumatay sa kanyang tatay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Police SMSgt. Jonel Nuezca ay sumuko sa kapulisan matapos patayin ang isang mag-ina sa Paniqui, Tarlac.

Binaril ni Nuezca si Sonya Gregorio, 52, at ang anak nitong si Frank Anthony Gregorio, 25, matapos mag-away sa bahay ng mga biktima.

Nag-post sa social media ukol sa kasong ito ang sikat na komedyanteng si Vice Ganda.

Raffy Tulfo, nangakong tututok sa kaso ng mag-inang pinaslang ng pulis sa viral video
Vice Ganda on Jonel Nuezca case: “Bumalik yung trauma ko”

Photo: Vice Ganda (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Ayon kay Vice, bumalik ang kanyang trauma nang mapanood ang video ng krimen dahil namatay din ang kanyang sariling ama sa pamamaril. Binaril sa Manila ang barangay captain na ama ni Vice noong 1991.

Hiling ni Vice na hindi matulad sa pamilya niya ang Gregorio family dahil hindi nahuli at nakulong ang taong pumatay sa kanyang tatay na si Reynaldo Viceral.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

“Natulala ako matapos ko mapanuod ung video. Bumalik yung trauma ko. Bumalik lahat ng pilit ko ng ibinabaon na alaala. Ung putok ng baril. Ung itsura nung tatay ko na parang baboy na sinasakay sa jeep. Ung mukha ng demonyo. Ang bigat ng nararamdaman ko…
“Sana’y wag silang magaya sa Tatay ko na di nabigyan ng hustisya. Sana’y wag silang magaya sa pamilya namin na namanhid na lng sa tagal ng paghihintay ng katarungan. Sana wala ng makaranas ng kasamaang ito,” sabi ni Vice sa Twitter.
Ina sa viral video ng pamamaril ng pulis, hinangaan ng mga netizens

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Jonel Nuezca ay ang suspek sa pagbaril sa mag-inang Sonya at Frank Anthony Gregorio sa Paniqui, Tarlac. Isa siyang pulis na assigned sa Parañaque City Crime laboratory.

Naging laman siya ng headlines matapos kumalat ang video ng kanyang pagpaslang sa nasabing mag-ina. Makikita sa video na nakayakap si Sonya sa kanyang anak nang sila ay barilin ng pulis.

Tumakas noong una si Nuezca pero ito ay sumuko rin sa mga awtoridad sa Pangasinan. Ito ay kinumpirma ni Paniqui Police Chief Lt. Col. Noriel Rombaoa.

Ang pinag-mulan ng away nila Nuezca at ang Gregorio family ay ukol sa “right-of-way” at sa “boga.” Ang boga ay isang noisemaker na gawa mula sa PVC pipe.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel