Police releases mugshot of Jonel Nuezca – the cop who killed a mother & her son

Police releases mugshot of Jonel Nuezca – the cop who killed a mother & her son

- Si Police SMSgt. Jonel Nuezca ay sumuko na sa awtoridad matapos niyang paslangin ang isang mag-ina sa Paniqui, Tarlac

- Ang mga biktima ay sina Sonya Gregorio, 52, at ang anak nitong si Frank Anthony Gregorio, 25

- Inilabas ni Central Luzon Chief Police BGen Val De Leon ang mugshot ni Nuezca

- Double murder ang kasong inilapat laban kay Nuezca at nangyari ito kahapon, December 20

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Police SMSgt. Jonel Nuezca ay sumuko na sa awtoridad matapos niyang paslangin ang isang mag-ina sa Paniqui, Tarlac.

Binaril ni Nuezca si Sonya Gregorio, 52, at ang anak nitong si Frank Anthony Gregorio, 25, matapos mag-away sa bahay ng mga biktima.

Police releases mugshot of Jonel Nuezca – the cop who killed a mother & her son

Photo: Peach Prosa
Source: Facebook

Matapos sumuko sa Pangasinan si Nuezca, inilabas ni Central Luzon Chief Police BGen Val De Leon ang kanyang mugshot.

Base sa nasabing mugshot na pinost din ng GMA News sa kanilang Facebook page, double murder ang kasong isinampa laban kay Nuezca at nangyari ito kahapon, December 20. Hindi pa naglalabas ng statement sa publiko ang suspek.

More celebrities express heartbreak over Sonya & Frank Anthony’s death

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Narito ang mugshot ni Nuezca mula kay Central Luzon Chief Police BGen Val De Leon:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Jonel Nuezca ay ang suspek sa pagbaril sa mag-inang Sonya at Frank Anthony Gregorio sa Paniqui, Tarlac. Isa siyang pulis na assigned sa Parañaque City Crime laboratory.

Naging laman siya ng headlines matapos kumalat ang video ng kanyang pagpaslang sa nasabing ina. Makikita sa video na nakayakap si Sonya sa kanyang anak nang sila ay barilin ng pulis.

Tumakas noong una si Nuezca pero ito ay sumuko rin sa mga awtoridad sa Pangasinan. Ito ay kinumpirma ni Paniqui Police Chief Lt. Col. Noriel Rombaoa.

Ang pinagmulan ng away nila Nuezca at ang Gregorio family ay ukol sa “right-of-way” at sa “boga.” Ang boga ay isang noisemaker na gawa mula sa PVC pipe.

Please always like and share all of our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters. Thank you for all of your support!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel