More celebrities express heartbreak over Sonya & Frank Anthony’s death

More celebrities express heartbreak over Sonya & Frank Anthony’s death

- Pinaslang ni Police SMSgt. Jonel Nuezca ang isang mag-ina sa Paniqui, Tarlac

- Ang mga biktima ay sila Sonya Gregorio, 52, at ang anak nitong si Frank Anthony Gregorio, 25

- Ilang artista pa ang nagdagdag ng kanilang opinyon ukol sa naganap na krimen

- Kasama sa mga bagong nag-post ay sila Agot Isidro, Gabbi Garcia, Frankie Pangilinan, Jed Madela, at Mimiyuuuh.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Police SMSgt. Jonel Nuezca ay naging laman ng headlines matapos niyang paslangin ang isang mag-ina sa Paniqui, Tarlac, ayon sa report ng The Philippine Star.

Binaril ni Nuezca si Sonya Gregorio, 52, at ang anak nitong si Frank Anthony Gregorio, 25, matapos mag-away sa bahay ng mga biktima.

More celebrities express heartbreak over Sonya & Frank Anthony’s deaths

Photo: Peach Prosa
Source: Facebook

Dahil sa malungkot na balitang ito, parami ng parami ang mga artistang nag-post ukol dito. Kabilang dito sila Agot Isidro, Gabbi Garcia, Frankie Pangilinan, Jed Madela, and Mimiyuuuh.

Mga artista, nag-post ng saloobin ukol sa pag-patay ng pulis sa mag-ina sa Tarlac

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks

Agot Isidro: “PNP = Patay Nang Patay”

Gabbi Garcia: “’MY FATHER IS A POLICEMAN’ I hope your policeman father rots in jail. He is a murderer.”

Frankie Pangilinan: “nakakalungkot, nakakagalit — mas lalo na dahil hindi na nakakagulat. ano nang nangyayari pilipinas? gising na ba?”

Jed Madela: “That was just pure evil!!! JUSTICE for the family! That policeman should pay!”

Mimiyuuuh: “Sa mga Pilipino na sumuporta sa #BLM movement, sana ganon rin po ang suporta natin para kayna Aling Sonya Gregorio pati sa anak niyang si Anthony Gregorio! Bigyan ang mag-inang ito ng hustisya!!!!!”

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Jonel Nuezca ay ang suspek sa pagbaril sa mag-inang Sonya at Frank Anthony Gregorio sa Paniqui, Tarlac. Isa siyang pulis na assigned sa Parañaque City Crime laboratory.

Away ng pulis at mag-ina sa Tarlac, dahil sa ‘boga’ at ‘right-of-way’

Naging laman siya ng headlines matapos kumalat ang video ng kanyang pagpaslang sa nasabing ina. Makikita sa video na nakayakap si Sonya sa kanyang anak nang sila ay barilin ng pulis.

Tumakas noong una si Nuezca pero ito ay sumuko rin sa mga awtoridad sa Pangasinan. Ito ay kinumpirma ni Paniqui Police Chief Lt. Col. Noriel Rombaoa.

Ang pinagmulan ng away nila Nuezca at ang Gregorio family ay ukol sa “right-of-way” at sa “boga.” Ang boga ay isang noisemaker na gawa mula sa PVC pipe.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel