Dimples Romana, naiyak sa sorpresa ng asawang si Boyet Ahmee

Dimples Romana, naiyak sa sorpresa ng asawang si Boyet Ahmee

- Hindi napigilang maiyak ni Dimples Romana nang sorpresahin siya ng dalawa sa malalapit niyang kaibigan sa showbiz

- Inihanda ng asawa ni Dimples na si Boyet Ahmee ang surpresa para sa kaarawan ng kanyang asawa

- Nagmistulang reunion ng pelikulang One More Chance ang nangyari dahil sa pagdating nina John Lloyd at Bea

- Nilinaw ni Boyet na negative sa swab tests ang lahat ng pumunta upang masiguradong ligtas at walang dapat ikabahala

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang sorpresa ang inihanda ng asawa ni Dimples Romana na si Boyet Ahmee para sa kaarawan nito. Sa kanyang YouTube channel, ibinahagi ni Boyet kung paano niya sinorpresa ang asawa na kanyang tinawag na "Dear Queen."

Nobyembre ang kaarawan ni Dimples ngunit, nitong Sabado ay ibinahagi ng kanyang asawa ang isang vlog kung saan isang sorpresa ang inihanda para sa kanya.

Read also

Vlogger na si Toni Fowler, ibinahagi ang kanyang new look matapos magpa-rhinoplasty

Hindi napigilang maging emosyonal ni Dimples nang ibahagi ng asawa ang kanyang mensahe para sa kanya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dimples Romana, naiyak nang sorpresahin nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz sa kanyang kaarawan
John Lloyd Cruz
Source: Getty Images

Ani Dimples, mahilig talaga dati magsulat ang kanyang asawa. Kaya naman nabigla siya na matapos ang mahabang panahon ay muli itong gumawa ng sulat para sa kanya.

Lalo pa siyang naiyak nang biglang dumating ang malalapit na kaibigang sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo na nakasama niya sa pelikulang "One More Chance."

Tila hindi makapaniwala si Dimples at pakiramdam niya ay napaka espesyal niya dahil nabigyan siya ng oras ng mga taong malapit sa kanya.

Masaya naman si Boyet na tagumpay ang kanyang sorpresa para sa asawa. Nilinaw rin niyang negatibo lahat ng resulta ng swab test ng lahat ng pumunta sa kanyang inihandang sorpresa.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Read also

Michelle Gumabao, kinagiliwan matapos mamagitan kina Herlene at Miss Manila

Si Dimples Romana ay isang Pinay na aktres at isang commercial model. Nagsimula ang kanyang showbiz career nang mapabilang siya sa comedy sitcom na Ang TV. Nakilala siya sa mahusay na pagganap niya sa ilang teleserye kagaya ng Bagani at Kadenang Ginto.

Marami ang humanga sa aktres nang bigyan nito ng bagong bahay ang kanyang kasambahay. Ibinahagi niya rin kamakailan ang kanyang bagong investment.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel