Magkapatid na matanda sa bundok, kada-buwan dadalhan ng pagkain ng isang vlogger

Magkapatid na matanda sa bundok, kada-buwan dadalhan ng pagkain ng isang vlogger

- Buwan-buwan nang dadalawin ng vlogger na si Archie Hilario ang magkapatid na matanda na sina Lola Flora at Lolo Gualberto

- Ito ay matapos nilang malaman na mabilis na naubos ang una nilang dinalang tulong dahil umano sa kakahingi ng kanilang mga kamang-anak

- Kwento ni Lola Flora, marami raw sa mga kamag-anak nila ang talagang dinayo sila nang malamang inabutan sila ng tulong ng vlogger

- Ngayon, tanging ang isang pamangkin na lang nila ang nagmamalasakit na dalhan sila ng tanghalian at hapunan upang sila ay may makain

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muling binisita ng YouTuber na si Archie Hilario o mas kilala bilang si "Pobreng Vlogger" ang magkapatid na matandang natulungan na niya na sina Lolo Gualberto at Lola Flora.

Nalaman ng KAMI na napagdesisyunan ng vlogger na buwan-buwan na nilang bibisitahin ang magkapatid lalo nang malaman nilang naubos agad ang dinala nilang mga supply sa mga ito.

Read also

Raffy Tulfo, nangakong tututok sa kaso ng mag-inang pinaslang ng pulis sa viral video

Kwento ni Lola Flora, nang malaman ng kanilang mga kamang-anak na sila ay natulungan, dinagsa halos sila ng kanilang mga kamag-anak.

Magkapatid na matanda sa bundok, kada-buwan dadalhan ng pagkain ng isang vlogger
Ang vlogger na si Archie Hilario habang kinukumusta si Lola Flora Photo from Archie HIlario- Pobreng Vlogger
Source: UGC

Unti-unti na nang naubos ang pera at mga pagkaing dinala sa kanila ni Archie dahil hindi rin naman nila matanggihan ang kanilang mga kaanak.

Subalit ngayon na wala na halos silang supply, tanging ang pamangkin na lamang nila ang nagmamalasakit na magdala sa kanila ng rasyong pagkain para sa pananghalian at hapunan.

Bagaman at may maayos nang pagkain, nanghihina pa rin si Lolo Gualberto na pansin ng kapatid ay hindi na halos magtatagal.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Dahil sa mga ito, minabuti ng grupo nina Archie na kada buwan na ang pagbisita nila sa magkapatid at groceries na rin ang karamihang ibibigay nila sa mga ito.

Naipaalam na rin kasi nila sa mga sumusuporta kina Lola Flora at Lolo Gualberto ang nangyari kaya pumayag ang mga sponsors na ipamili na ng pagkain ang kanila sanang tulong pinansyal.

Read also

Matet de Leon, muling bumwelta sa "mababait" na Noranians

Laking pasalamat naman ni Lola Flora sa patuloy na pagsuporta sa kanila ng grupo ni Pobreng Vlogger.

Narito ang kabuuan ng video mula sa YouTube channel ni Archie Hilario:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Archie Hilario ay isang vlogger sa Aklan at dating DJ sa Energy FM Radio. Kilala na ngayon siya bilang si "Pobreng Vlogger" na tumutulong sa mga kababayan nating naghihikahos sa buhay.

Isa sa mga natulungan niya ang mag-asawang nakatira na lamang sa tagpi-tagping bahay at napagawan nila ng maayos na matitirahan.

Gayundin ang isang basurero na mag-isa na lamang sa buhay na matapos ang isang taon, muli nilang binalikan upang kumustahin at dalhan muli ng makakain.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel