Raffy Tulfo, proud na ipinakilala sa publiko ang kanyang apo na si Grayson Maxwell

Raffy Tulfo, proud na ipinakilala sa publiko ang kanyang apo na si Grayson Maxwell

- Ipinakilala na sa publiko ni Raffy Tulfo ang kanyang unang apo na si Grayson Maxwell

- Si Baby Grayson ay anak ni Maricel Tulfo at ni Atty. Garreth Tungol

- Sa programang Idol in Action, hiniling ng 'Lolo Raffy' na makita si Baby Grayson sa unang pagkakataon sa kanyang programa

- Nobyembre 28 nang magsilang si Maricel Tulfo at naibahagi niya ang mga detalye nito sa kanyang vlog

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kauna-unahang pagkakataon, ipinakilala ni Raffy Tulfo sa publiko ang kanyang apo na si Grayson Maxwell Tulfo-Tungol.

Nalaman ng KAMI na sa isang episode ng Idol in Action, hiniling ng "Lolo Raffy" na makita ang kanyang apo na si Grayson habang kausap niya sa ere ang kanyang anak na si Maricel o mas kilala sa tawag nilang 'Mar'.

Raffy Tulfo, nangakong tututok sa kaso ng mag-inang pinaslang ng pulis sa viral video

Tuwang-tuwa si Tulfo nang makita ang apo na bitbit ng ama nito na si Atty. Garreth Tungol.

Raffy Tulfo, proud na ipinakilala sa publiko ang kanyang apo na si Grayson Maxwell

Raffy Tulfo Photo from (@raffytulfoinaction)
Source: Instagram

Tulog na tulog at bagong ligo pa lamang si Baby Grayson na walang kamalay-malay kung gaano kasaya ang kanyang lolo na ipakita siya sa milyong-milyong nanonood sa kanila.

"Paglaki mo, matutuwa ka 'pag nakita mo ito," pahayag ni Idol Raffy.

Proud na proud ang lolo na ipinakilala sa publiko ang kanyang apo na manang-mana raw sa kanya.

"Ang cute, super cute, manang-mana sa akin!" ang makulit na nasambit ng 'hari ng public service.'

Nobyembre 28 nang isilang ng anak ni Tulfo na si Maricel si Baby Grayson bandang 1:36 ng tanghali.

Naibahagi ni Mar sa kanyang vlog ang bawat detaye ng pagsilang niya sa first baby nila ng mister na si Atty. Garreth.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ina sa viral video ng pamamaril ng pulis, hinangaan ng mga netizens

Aniya, ito raw ang best Christmas gift na natanggap niya.

Normal delivery sana ang nais ni Mar subalit nauwi pa rin siya sa C-section. Ang mahalaga maayos ang lagay at malusog ang kanyang anak.

Samantala, inulan naman ng pagbati ang comment section ng naturang episode at marami ang natuwa sa reaksyon ng bagong lolo na super proud sa kanyang unang apo.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube channel:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Pinangungunahan din niya ang dalawa pang programa sa TV5 na 'Idol in Action' at 'Frontline Pilipinas'. Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan mahigit 17.4 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

Mag-inang Julia at Marjorie Barretto, kumasa sa lie detector challenge

Kamakailan, naiulat ng KAMI ang pagbabahagi ng anak ni Tulfo na si Maricel sa kanyang YouTube channel ng kanyang pagsilang kay Baby Grayson.

Dalawang buwan na ang nakararaan nang ganapin naman ang pag-iisang dibdib nina Maricel at Atty. Garreth Tungol

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel