Sarah Geronimo, ibinahaging dalawang beses nag-propose noon si Matteo Guidicelli

Sarah Geronimo, ibinahaging dalawang beses nag-propose noon si Matteo Guidicelli

- Ibinahagi ni Sarah Geronimo na dalawang beses nag-propose sa kanya si Matteo Guidicelli

- Ang una proposal umano ay naganap sa ibang bansa at sila lamang ang nakakaalam

- Naganap naman ang ikalawang proposal ay naganap sa Cebu para ipaalam sa pamilya ni Matteo

- Matatandaang ikinasal ang sina Sarah at Matteo noong Pebrero ng kasalukuyang taon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ni Sarah Geronimo na dalawang beses nag-propose sa kanya ang asawang si Matteo Guidicelli. Sa isang vlog ng celebrity doctor na si Vicki Belo, ibinahagi ni Sarah ang ilang detalye ng nangyaring proposal.

Ayon sa kanya, naganap ang unang proposal sa ibang bansa at sila lamang ang nakakaalam nun.

“Once po na kami lang ang nakakaalam sa family n’ya,” paliwanag naman ni Sarah. Ito ay naganap sa Italy.

Sarah Geronimo, ibinahaging dalawang beses nag-propose noon si Matteo Guidicelli

Sarah Geronimo (Photo by Jun Sato/WireImage)
Source: Getty Images

“Then the second time, with his relatives in Cebu. Parang paalam lang sa kanila," dagdag pa niya.

Miss Manila at ‘Sexy Hipon’ Herlene, mainit ang naging sagutan sa ‘Tutok to Win'

Sa nasabing vlog, nabanggit din ni Sarah na nakalipat na sila sa kanilang bagong bahay. Mayroong apat na bedroom ang kanilang bahay at mayroon ding swimming pool. Gayunpaman, hindi umano hilig ni Sarah ang lumangoy.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isa din sa napag-usapan nila ay ang tungkol sa pagiging maalaga ni Matteo kay Sarah. Nasaksihan umano ito ni Dra. Belo nang magkasama sila sa kanilang bakasyon sa Amanpulo.

Pagbabahagi ng celebrity doctor, binulungan umano siya ni Matteo na sabihan si Sarah na masyadong bold ang kanyang suot na swimwear gayong may short pa umano itong suot ayon kay Dra. Belo.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Si Sarah Geronimo ay kilala sa bansag na Popstar. Bukod sa husay niya sa pagkanta at pagsayaw, marami na rin ang bumilib sa husay niya sa pag-arte. Una siyang nakilala noong siya ay labing-apat na taong gulang nang manalo sa Star for A Night.

Vicki Belo, saksi kung gaano kaalaga at ka-sweet si Matteo Guidicelli kay Sarah Geronimo

Matapos niyang maikasal kay Matteo Guidicelli, naging kontrobersiyal ang umano'y pagkakaroon nila ng tampuhan ng kanyang ina. Gayunpaman, sa concert nila ni Matteo kamakailan ay nagbigay siya ng madamdaming mensahe para sa mga magulang. Read more:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel