Video na ng tinaguriang "lighting engineer", kinagiliwan online

Video na ng tinaguriang "lighting engineer", kinagiliwan online

- Viral ang video ng isang lalaking tinaguriang lighting engineer dahil sa pagmamanipula ng mga ilaw sa isang party

- Aliw na aliw ang mga netizens sa diskarte ng lalaki na pinapatay-sindi ang mga ilaw sa lugar sa pamamagitan ng pagtatanggal at pagbabalik ng power plug sa socket

- Habang ang ilan ay tuwang-tuwa sa video, ang iba naman ay nabahala dahil sa bahagyang delikado ang ginagawa na ito ng lalaki

- Gayunpaman, alam naman nilang katuwaan lamang ito at huwag na lamang daw sanang gayahin pa ng iba

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kinagiliwan online ang nakakaaliw na video na ibinahagi ng netizen na si SJ Demarco.

Nalaman ng KAMI na makikita kasi ang isang lalaking tinagurian niyang 'lighting engineer' na siyang nagmamanipula ng patay-sinding ilaw sa isang party.

Ang kapansin-pansin dito, hawak ng lalaki ang power plug na siyang tinatanggal at ibinabalik niya sa electric socket.

10-anyos na batang di na napagbati ang mga magulang, pinasaya pa rin ni Tulfo
Video na ng tinaguriang "lighting engineer", kinagiliwan online

Tinaguriang 'lighting engineer' sa isang kasiyahan. Photo from SJ Demarco
Source: Facebook

Ito ang dahilan kung bakit nagmistulang disco lights ang paiwa sa lugar.

"Highly Experienced" kaya naman highly recommended daw ang tinaguriang lighting engineer na ito.

Umani ito ng iba't ibang reaksyon sa netizens lalo na at ang iba ay naabahala rin sa seguridad ng lalaki at malaki raw ang posibilidad na ito ay makuryente.

Gayunpaman, alam naman ng marami na ito ay pawang katuwaan lamang at nagpaalalang huwag na lamang gayahin dahil lubha pa rin itong mapanganib.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Special light effects on a tight budget these days"
"Saan po matatagpuan si Kuya? baka fully-booked na po siya"
"Magkano kaya ang talent fee ni Kuya? Baka hindi pa enough kapag na-ospital siya"
"Natatawa ako pero ingat pa rin po kasi delikado po yan"
"Hahaha, aliw si kuya game na game kahit sobrang delikado nung ginagawa niya"
Zeinab Harake, ipinagtanggol ng kanyang kapatid sa mga bashers
"Nagkaroon tuloy ako ng idea kung paano mapapasaya ang pasko naming lima sa family"
"Ang kulit, may polbo pa siya sa mukha baka kung ano na nangyari sa kanya"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kamakailan ay ang-viral din ang isang batang lalaki na todo hataw sa pagkasa niya sa tinatawag na bulate dance.

Agaw eksena rin sa social media ang video ng isang lalaki na nakuha pang magkape sa labas ng kanilang bahay sa kasagsagan ng bagyo.

Ilan lamang ito sa mga viral video sa social media na nagdadala ng good vibes sa atin lalo na ngayong pandemya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel