10-anyos na batang di na napagbati ang mga magulang, pinasaya pa rin ni Tulfo

10-anyos na batang di na napagbati ang mga magulang, pinasaya pa rin ni Tulfo

- Minsan nang nag-viral ang episode ng Raffy Tulfo in Action kung saan humingi ng tulong ang isang bata na mapag-ayos ang kanyang gma magulang

- Nais sana niyang bumalik na ang ama sa kanilang mag-ina bago ang kapaskuhan

- Hindi man ito natupad dahil sa maraming kadahilanan, ibinigay pa rin ni Tulfo ang pangako niyang tulong sa bata

- Masaya naman ang bata na tanggap na ang kalagayan ng pamilya at sa mga natanggap na biyaya mula sa kanyang Idol Raffy

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Natanggap na ng batang si 'Dorie' ang ipinangako sa kanyang tulong ni Raffy Tulfo.

Matatandaang si Dorie ang 10-anyos na bata na dumulog sa programa ni Tulfo na 'Wanted sa Radyo' upang mapagbati ang kanyang mga magulang.

Nalaman ng KAMI na kahit pa nagkaharap na sa barangay ang mga magulang ni Dorie, hindi pa rin ito nagkasundo na magsamang muli dahil na rin sa mga nagagawang hindi maganda sa isa't isa.

Read also

Dialysis patient na inagawan ng asawa ng kanyang nurse, natulungan ni Raffy Tulfo

10-anyos na batang di na napagbati ang mga magulang, pinasaya pa rin ni Tulfo
Photo from Raffy Tulfo in Action
Source: Facebook

Nagpagkasunduan na lamang nila ang sustento para kay Dorie at nangako ang ama nitong bibisita na lamang tuwing Sabado o kung mayroon mang mahalagang okasyon ang anak.

Hindi man kasi siya ang tunay na ama ng bata, siya na ang nakagisnan nito at apelyido na rin ang ginagamit nito na nasa kanyang birth certificate. Napalapit na rin sa kanya ang bata.

Bigo mang mapag-ayos ng programa ang mga magulang ni Dorie, ibinigay pa rin nila ang smartphone, tablet at perang nagkakahalaga ng P30,000 na naipangako ni Tulfo sa bata.

Natuwa kasi si Tulfo kay Dorie dahil sa kinakitaan niya ito ng pagiging ismarte at talino sa kung paano na lamang siyang makipag-usap sa mga kanila.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Humanga rin ang host nang malaman na mayroong munting tindahan si Dorie na bukod sa libangan niya ito sa bahay, natuto rin siyang magbilang nang di na kailangan pa ang calculator.

Read also

Zeinab Harake, ipinagtanggol ng kanyang kapatid sa mga bashers

Tuwang-tuwa ang bata na unang beses pa lang nagkaroon ng sariling smartphone at tablet na maari raw niyang magamit sa online classes.

Ang perang natanggap naman ay gagamitin niya bilang dagdag puhunan sa kanyang negosyo habang ang natitira ay kanilang iipuning mag-ina.

Narito ang kabuuan ng nakakantig ng pusong video mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Pinangungunahan din niya ang dalawa pang programa sa TV5 na 'Idol in Action' at 'Frontline Pilipinas'. Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan mahigit 17.4 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

Kamakailan ay nabigyan din ng karagdagang tulong ni Tulfo ang nag-viral nag jeepney driver na si Alexander Gutal. Kinumusta niya ang kalagayan nito at nagpaabot ng pandagdag sa online business nila ng kanyang anak na si Christian.

Read also

RC Cola, gumawa muli ng ingay sa socmed dahil sa bago nilang advertisement

Gayundin ang dialysis patient na single mother na ngayon dahil di na muling binalikan ng asawa. Binigyan din ito ni Tulfo ng pangkabuhayan lalo na at sa kabila ng pagpapagamot ay itinataguyod pa nito ang tatlong mga anak.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel