Bagyong Vicky, palabas na ng bansa; Bagong bagyo, namataan

Bagyong Vicky, palabas na ng bansa; Bagong bagyo, namataan

- Inaasahang lalabas na sa Philippine Area of Responsibility ang Bagyong Vicky ngayong Linggo, Disyembre 20

- Tinatahak nito ang direksyon ng West Philippine Sea at tuluyan nang lalabas sa bansa bandang hapon ngayong araw

- Subalit isang low pressure area naman ang namataan at maaring maging isang ganap na bagyo sa loob ng 24 oras

- Inaasahang tatama ito sa Cagayan Valley, Apayao, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Aurora, Quezon at Bicol region

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Papalabas na ng Philippine area of responsibility (PAR) ngayong araw, Disyembre 20 ang Bagyong Vicky na nagdulot din ng pinsala, pagbaha at pagguho ng lupa sa ilang panig ng bansa.

Ayon sa ABS-CBN News, tinatahak na ni Vicky ang West Philippine Sea at tuluyan nang lilisanin ang bansa ngayong Linggo ng hapon.

Sa ulat ng UNTV Biyernes, Disyembre 18 nang pumasok sa PAR si Vicky na ika-22 bagyo na dinanas ng bansa.

Raffy Tulfo, nangakong tututok sa kaso ng mag-inang pinaslang ng pulis sa viral video
Bagyong Vicky, palabasan na ng bansa; Bagong bagyo, namataan

Pinsala ng Bagyong Vicky sa Agusan del Sur Photo from Phobie Jane Osigan
Source: Facebook

Tulad ng Bagyong Ulysses, nag-iwan ng matinding pinsala ang Bagyong Vicky sa ilang bahagi ng Pilipinas.

Marami rin sa mga kababayan natin tulad ng mga nasa Agusan del Sur ang nalubog sa matinding pagbaha. Ilang mga kabahayan ang inabot hanggang sa bubong ang tubig kaya naman putikan at nasira ang ilan sa kanilang mga ari-arian.

Patuloy naman ang pagdating ng tulong sa mga lugar na nadaanan ng Bagyong Vicky ayon sa Radyo Pilipinas.

Samantala, sa paglabas ni Vicky, namataan naman ang isang low pressure area na may layong 140 kilometro sa silangan ng Virac, Catanduanes.

Malaki ang posibilidad na maging isang ganap na Bagyo ito sa loob ng 24 oras.

Maaring tamaan ng bagong bagyo ang Cagayan Valley, Kalinga Apayao, Mountain Province, Ifugao, Aurora, Quezon at Bicol region, hilagang bahagi ng Palawan kasama na ang Calamian Islands at Kalayaan Islands.

Makararanas din ng pag-ulan ang Metro Manila, Babuyan Islands, Northern Samar, ang natitirang bahagi ng Cordilleras, Central Luzon, Calabarzon at Mimaropa.

Ina sa viral video ng pamamaril ng pulis, hinangaan ng mga netizens

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nitong nakaraang buwan, nagdala rin ng matinding pagbaha ang Bagyong Ulysses na nagpahirap lalo sa mga kababayan natin partikular na sa Cagayan, Isabela, Marikina City at ilang bahagi ng probinsya ng Rizal.

Dumagsa naman ang tulong lalong-lalo na sa mga nasabing lugar na lumubog sa baha at umabot sa bubong ng mga kabahayan ang tubig.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel