Ivana at Mona Alawi, nagkapirmahan ng kasunduan na bawal muna mag-prank

Ivana at Mona Alawi, nagkapirmahan ng kasunduan na bawal muna mag-prank

- Ibinuking ni Hashim Alawi, kapatid nina Ivana at Mona Alawi ang tungkol sa kasunduan ng magkapatid

- Aniya, nagkapirmahan umano ang mga kapatid niya para sa kanilang kasunduang wala munang gagawa ng prank sa kanila

- Gayunpaman, dahil hindi siya kasali sa pirmahan, naisipan niyang siya na lamang ang mag-prank sa kanyang pamilya

- naging tagumpay naman ang kanyang prank at napaniwala niya ang mga kapatid at ina sa kanyang pagkukunwaring heart-broken siya kaya siya naglasing

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ng kapatid ni Ivana Alawi na si Hashim Alawi ang tungkol sa ginawang pirmahan umano ng dalawang kapatid na sina Mona at Ivana para sa kasunduang wala munang mangpa-prank sa kanila.

Gayunpaman, dahil hindi siya kasali sa pirmahan, naisipan niyang siya na lamang ang mag-prank sa mga kapatid pati na rin sa kanyang ina.

Read also

Liz Uy, buntis na sa ikalawang anak nila ni Raymond Racaza

Nagkunwari siyang nagpakalasing sa pamamagitan ng pagsalin ng laman ng alak sa pitsel upang magmukhang naubos niya ang isang bote ng alak.

Ivana at Mona Alawi, nagkapirmahan ng kasunduan na bawal muna mag-prank
Photo from Ivana Alawi (@ivanaalawi)
Source: Instagram

Mayroon din siyang ginamit na spray sa kanyang mata upang magmukhang umiiyak siya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Una niyang biniktima ang bunsong kapatid na si Mona. Naging malumanay naman si Mona sa pagpayo sa kanyang kuya na hindi makatutulong ang kanyang pag-inom. Nagulat na lamang ito nang biglang sabihin ni Hash na prank lamang ang lahat.

Kasunod nito ay maging si Mona ay tinawagan na ang ate niya para siya naman ang mabiktima ng prank. Kagaya ni Mona, nagulat din ito nang sabihin ni Hashim na nagkaroon siya ng girlfriend.

Dapat daw ay sinasabi niya ito sa kanila. Nang mamilit si Ivana kung pwede niyang makita ang babaeng tinutukoy ng kapatid isa-isang sinabi ni Hashim ang mga letrang I-S-S-A-P-R-A-N-K at dito niya na sinabing its a prank.

Read also

Matet at Lotlot de Leon, Nagpahayag ng pagsuporta kay Ian de Leon

Kagaya ng dalawang kapatid, nabigla din ang ina nila ngunit, kitang-kita ang pagsuyo niya sa anak para hindi na ito malungkot.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Ivana Alawi ay naunang nakilala nang sumali siya sa "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit sampung milyon ang kanyang YouTube subscribers.

Sa kanyang pagdiwang ng pagkakaroon ng 10 milyong subscribers, namahagi si Ivana ng biyaya sa mga nangangailangan.

Isa din siya sa mga YouTube content creators na aktibong namigay ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo at pagbaha.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel