Sandra Lemonon, aminadong hindi masyadong kilala si Rabiya Mateo

Sandra Lemonon, aminadong hindi masyadong kilala si Rabiya Mateo

- Aminado si Miss Universe Taguig na si Sandra Lemonon na hindi niya masyadong nakilala si Miss Universe PH Rabiya Mateo

- Kaya naman, imposible aniya na mapamahal siya rito bilang tugon sa tanong kung 'love' niya daw si Rabiya

- Gayunpaman, ayon kay Lemonon, wala siyang negatibong iniisip tungkol sa pambato ng Pilipinas sa Miss Universe

- Nilinaw niya ring nagandahan siya kay Rabiya at nagustuhan niya ang natural features nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sinagot ni Miss Universe Taguig na si Sandra Lemonon ang tanong na "Do you love Rabiya." Aniya, hindi naman posibleng mahalin niya ito dahil hindi naman sila gaanong magkakilala ni Rabiya.

Gayunpaman, wala siyang masamang naisip tungkol sa kanya dahil hindi naman sila nagkaroon ng pagkakataon para amgkakilala ng maigi.

Sandra Lemonon, aminadong hindi masyadong kilala si Rabiya Mateo
Photo from Rabiya Mateo (@rabiyamateo)
Source: Instagram

Nilinaw din ni Sandra na kahit hindi sila naging malapit ni Rabiya, nagustuhan niya ang natural features nito at para sa kanya ay "extremely gorgeous" umano sia Rabiya.

Read also

Miss Manila at ‘Sexy Hipon’ Herlene, mainit ang naging sagutan sa ‘Tutok to Win'

Matatandaang umani ng pambabatikos si Sandra dahil sa kanyang mga makahulugang pahayag sa social media matapos koronahan si Rabiya bilang Miss Universe Philippines 2020.

Base sa kanyang ibinahaging mga social media posts, tila pinahiwatig nito na may dayaang naganap sa nasabing beauty pageant.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Gayunpaman, matapos ang mahigit ang isang buwan ay wala pa ring ibinubunyag si Lemonon. Nito lamang nakaraang linggo ay sinabi ni Lemonon na malapit niya nang ilabas ang kanyang nalalaman.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Si Sandra Lemonon ang kumatawan sa Lungsod ng Taguig nitong Miss Universe Philippines 2020 beauty pageant kung saan tinanghal na panalo si Rabiya Mateo na mula sa lungsod ng Iloilo.

Naging kontrobersiyal din ang beauty queen noong taong 2018 nang sumali siya sa Binibing Pilipinas kung saan naitanong sa kanya ang tungkol sa kanyang opinyon sa Build, Build, Build program ng gobyerno sa Q&A portion at inamin niyang hindi niya alam ito.

Read also

Vlogger, namahagi ng kanyang "yeyemenin" Christmas baskets

Bumilib naman sina Vice Ganda at Anne Curtis sa pagiging honest nito na hindi niya alam ang tungkol sa tanong sa kanya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel