MMDA Spokesperson Celine Pialago, tinawag na 'demonyo' si Doris Bigornia

MMDA Spokesperson Celine Pialago, tinawag na 'demonyo' si Doris Bigornia

- Binanatan ni MMDA Spokesperson Celine Pialago ang ABS-CBN reporter na si Doris Bigornia

- Ito ay kaugnay sa "hindi kumpleto" na traffic report umano ni Doris tungkol sa “pagbubukas” ng dalawang U-turn slots sa EDSA

- Sinabi din ni Pialago na balak niyang tuluyang sampahan ng kaso si Bigornia

- Muli ding inungkat ni Pialago ang naging girian nilang dalawa noong 2019 matapos ireklamo ni Pialago si Bigornia

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Inalmahan ni MMDA spokesperson Celine Pialago ang tungkol sa umano'y kulang na report ng ABS-CBN reporter na si Doris Bigornia kaugnay sa “pagbubukas” ng dalawang U-turn slots sa EDSA na lumikha umano ng kalituhan.

Balak ni Pialago na tuluyang sampahon ng kaso si Bigornia matapos ipalabas sa TV Patrol ang ulat ni Bigornia tungkol sa pagdulot ng kalituhan ang pagbubukas ng U-turn slot sa Darrio Bridge.

Ina sa viral video ng pamamaril ng pulis, hinangaan ng mga netizens

Ibinahagi sa nasabing report ang screenshot sa Viber group ng MMDA kung saan sinabi ni Pialago na bukas ang naturang U-turn slot pati ang sa harapan ng Quezon City Academy.

MMDA Spokesperson Celine Pialago, tinawag na 'demonyo' si Doris Bigornia

Photo from Doris Bigornia (@dorisbigornia)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Gayunpaman, ayon kay Pialago, putol ang mensaheng inilabas sa ulat na ito na kuha mula sa kanyang naging pahayag sa Viber group na tanging emergency vehicle lang ang papayagan sa Darrio Bridge.

“Kanina sa report mo sa TV Patrol. Ako ang nagsabe na bukas na ang darrio bridge u turn, yes! pero hindi mo nilabas sa TV ang buong laman ng GC, nakalagay bukas yun sa emegency vehicles,” ani Pialago sa kanyang Facebook post.

Tinawag din niyang demonyo si Bigornia at binantaang tutuluyan niya na ito.

This time kapag dinemanda kita, tutuluyan kita Miss Doris Bigornia. Isasama ko yung pagsugod mo sa opisina ng MMDA para awayin ako, uulitin ko, pumasok ka sa opisina namin, sa sarili naming tahanan, para awayin ako, ganun ka ka adik. Maghintay ka.
Pulis sa viral video na kumitil sa buhay ng mag-ina, sumuko na

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Celine Pialago o Pircelyn Pialago ay naging Chief Media Officer sa Department of Interior and Local Government (DILG), media consultant sa House of Representatives, at TV anchor sa People’s Television Network. Base sa kanyang Facebook account, naging researcher din siya sa ABS-CBN.

Matatandaan na nagkagirian ang din sina Bigornia at Pialago noong 2019 matapos ireklamo ni Pialago si Bigornia.

Inireklamo din ni Pialago ang ilang social media pages dahil sa malisyosong memes tungkol sa kanya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel