PBB Connect housemate Justin Dizon, humingi ng dispensa sa mga nasabi kay Jie-An Armero

PBB Connect housemate Justin Dizon, humingi ng dispensa sa mga nasabi kay Jie-An Armero

- Humingi ng dispensa si PBB Connect housemate Justin Dizon kaugnay sa kanyang nasabi

- Kaugnay ito sa kanyang biro sa kasamahang si Jie-Ann Armero dahil sa hindi nito madalas na pagligo

- Maging ang ilang kasamahan nila ay humingi ng dispensa sa naging kanilang asal kaugnay sa napansin kay Jie-An

- Ibinunyag ni Jie-An na dahil sa hirap ng supply ng tubig sa kanilang lugar ay nasanay siyang hindi maligo palagi

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos umani ng pambabatikos mula sa mga netizens, humingi ng dispensa ang PBB Connect housemate na si Justin Dizon kaugnay sa kanyang mga inasal at sinabi sa kapwa housemate na si Jie-Ann Armero.

Naging mainit na usapin ang naging biro ni Justin kay Jie-Ann kaugnay sa hindi nito pagligo palagi. Kasunod nito ay ikinuwento ni Jie-Ann na hindi siya nasanay sa paliligo palagi dahil sa mahirap ang supply ng tubig sa kanilang lugar sa probinsiya.

Ina sa viral video ng pamamaril ng pulis, hinangaan ng mga netizens

Kasunod ng pagbabahagi ni Jie-Ann kay Big Brother, napansin ng mga kasamahan ang tila pananamlay nito.

PBB Connect housemate Justin Dizon, humingi ng tawad sa mga nasabi kay Jie-An Armero

Pinoy Big Brother House (Photo from Flickr)
Source: UGC

"Pasensya na kayo kasi minsan lang ako naliligo. Yun nga dahil wala kaming tubig nasanay ako," emosyonal na paliwanag ni Jie-Ann sa kanyang mga kasamahan.

Kasunod nito ay lumapit ang mga kasamahan niya kabilang na si Justin at humingi ng paumanhin sa kanilang inasal.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Yun nga I really lacked understanding also na we don't live in the same house... If ever you felt offended with those jokes I wanna say sorry for them kasi 'yun nga I forgot to realize iba tayo," pag-amin ni Justin.

"I wanna say sorry if 'yun nga for saying those jokes to you because, like, they are insensitive. Hindi ko naisip initially, your background and my background how different they are. So 'yun nga I try my best to be more sensitive on how you feel," dagdag pa niya.

Donnalyn Bartolome, ipinaliwanag kung bakit hindi na nagkakasama ang #DoLaiNab

Maging ang ibang mga kasamahan ay ibinahagi ang kanilang natutunan sa nangyari.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ang Pinoy Big Brother ay isang reality show kung saan kinakailanagan mamalagi ng mga kalahok sa isang bahay na kilala sa tawag na Pinoy Big Brother House. Matutukoy ang big winner sa pamamagitan ng pagtagumpay sa mga hamon na dapat kaharapin sa loob ng bahay at sa tulong na rin ng mga boto mula sa manonood.

Matatandaang naging isa sa trending topic ang naging asal ni Justin kay Jie-Ann nitong nakaraang linggo.

Samantala, ipinaliwanag ni Bianca Gonzalez ang dahilan kung bakit wala si Toni Gonzaga nang muling magbukas ang PBB para sa ika-9 na season nito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel