Yam Concepcion, napasigaw dahil sa pagkuha ng swab samples sa kanya

Yam Concepcion, napasigaw dahil sa pagkuha ng swab samples sa kanya

- Ibinahagi ni Yam Concepcion ang kanyang nakakaaliw na reaksiyon nang kuhanan siya ng swap specimen

- Ito ay para sa pagsusuri sa COVID-19 na kailangan sa mga artista upang mapayagan silang magtrabaho

- Napapasigaw at napapaigtad siya sa tuwing ipapasok na ang swab sa butas ng kanyang ilong

- Hindi napigilang matawa ng kasamahan niya habang isinasagawa ang pagkuha ng swab sample sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kinaaliwan ng mga netizens ang reaksiyon ni Yam Concepcion habang kinukuhanan siya ng swab sample para sa COVID-19 test. Isa ito sa mga requirement sa mga nagtatrabaho maging sa mga artista upang masiguradong ligtas ang lahat ng kasama sa taping.

Ang negative COVID-19 swab test result ay isa sa mga hinihingi sa mga empleyado ngayong panahon ng pandemya.

Yam Concepcion, napasigaw dahil sa pagkuha ng swab samples sa kanya

Photo from Yam Concepcion (yamconcepcion)
Source: Instagram

Sa ibinahaging video ng aktres, makikitang napapaigtad at napapasigaw ito kapag ipinapasok na ang swab sa butas ng kanyang ilong. Aniya, ganoon daw ang kanyang reaksiyon palagi kapag kinukuhanan siya ng specimen para sa swab tests.

Dimples Romana, naiyak sa sorpresa ng asawang si Boyet Ahmee

Hindi naman mapigilang matawa ng kasamahan ng aktres dahil sa kanyang reaksiyon. Maging ang ilang mga kasamahan niya sa showbiz ay kinaaliwan siya.

Ilan sa mga natawa sa reaksiyon ni Yam ay sina Ellen Adarna, JM de Guzman, Jessa Zaragoza, Iza Calzado, Denise Laurel at marami pang iba.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Yam Concepcion o Lorraine May "Yam" Concepcion sa totoong buhay ay sumikat sa kanyang husay sa pagganap sa ilang mga pelikula at maging sa mga palabas sa telebisyon.

Ilan sa mga pinakasumikat niyang pagganap ay sa teleseryeng Dugong Buhay at Halik.

Tumatak sa maraming manonood ang kanyang mahusay na pagganap bilang si Jade sa teleseryeng Halik kung saan nabansagan siyang Pambansang Kabit.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Vlogger na si Toni Fowler, ibinahagi ang kanyang new look matapos magpa-rhinoplasty

Dahil sa epektibo at mahusay na pagganap niya bilang kontrabida, nagkaroon din siya ng negatibong imahe at hindi naiwasang magkaroon ng mga bashers.

Inalamahan ng aktres ang muling pag-uungkat ng ilang netizens sa kanyang dating pelikulang Rigodon upang gamitin bilang panira sa kanya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel