Vlogger, namigay ng maagang pamasko sa mga Katutubong Aeta sa Aklan

Vlogger, namigay ng maagang pamasko sa mga Katutubong Aeta sa Aklan

- Namahagi ang vlogger na si Arvhie Hilario ng maagang pamasko sa mga katutubong Aeta sa Aklan

- Dalawang linggo lamang ang nakararaan nang una nila itong dalhan ng mga grocery items at iba pang pangunahing pangangailangan ng mga pamilyang naroon

- Sa kanilang pagbabalik, pinakain nila ito ng mula sa Jollibee na sponsor ng mga netizens at subscibers ng channel ni Pobreng vlogger na nasa Amerika

- Bakas sa mukha ng mga katutubo ang kasiyahan nang makakain ng masarap nang araw na iyon at malaki ang pasasalamat nila sa vlogger na hindi sila nakalimutang biyayaan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sinadya ng vlogger na si Archie Hilario o mas kilala bilang si "Pobreng Vlogger" ang mga katutubong Aeta sa Altavas, Aklan upang mabigyan ito ng maagang pamasko.

Nalaman ng KAMI na bago pa man ito, nabisita na ng team ni Archie ang komunidad ng Aeta na ito at doon nalaman nila ang labis na pahirap na dinanas nila mula nang mag-lockdown.

Read also

Zeinab Harake, ipinagtanggol ng kanyang kapatid sa mga bashers

Paglalako lamang kasi ng walis tingting ang ikinabubuhay ng mga katutubong ito. Kaya mula nang magkaroon ng community quarantine, mas lalong naging mahirap ang kanilang kalagayan.

Vlogger, namigay ng maagang pamasko sa mga Katutubong Aeta sa Aklan
Archie Hilario Photo from Ka-pobreng Vlogger Archie Hilario
Source: Facebook

Naluluha pa nga ang isang ginang sa kanila habang inaalala ang dinanas nila sa ilang pagbabawal na maghanapbuhay at lumabas.

Sa unang pagkakataon ding iyon ay nadalhan na ng vlogger ng mga grocery items ang mga katutubong labis na nagpapasalamat sa tulong na nakarating sa kanila.

Sa pagbabalik ng grupo nina Archie, tsinelas na masusuot ng mga katutubo ang kanilang dala. Pinakain din nila ang bawat isa roon ng mula sa Jollibee.

Mapa-bata man o matanda, mababakas ang kasiyahan sa kanilang mga ngiti at muli raw silang nakakain ng masarap.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Ibinahagi rin ni Archie na ang tulong na natanggap ng mga katutubong ito ay mula sa mga kababayan natin sa Lake Tahoe, California USA.

Read also

RC Cola, gumawa muli ng ingay sa socmed dahil sa bago nilang advertisement

Hindi naiwasan ng ilan na maging emosyonal sa sobrang pasasalamat muli kina Archie at may nakaalala sa kanila tulad ng grupong ito.

Tila nagkaroon ng maagang Christmas party ang maliit na komunidad ng mga Aeta sa Altavas at sa kabila ng pandemya at nakaramdam pa rin sila ng kagihawahan.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Archie Hilario - Pobreng Vlogger YouTube channel:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Archie Hilario ay isang YouTuber ang pangunahing content ng mga video ang pagtulong sa mga kababayan natin sa Aklan na naghihikahos. Dati rin siyang radio commentator sa Energy FM bago siya naging vlogger.

Bukod sa pamimigay ng mga pangunahing pangangailangan ng mga kababayan nating hirap sa buhay, ilan na rin ang napagawan niya ng maayos na tirahan sa Aklan.

Ang maganda rin sa ginagawa ng vlogger na ito ay nagagawa niyang balikan at kumustahin kung maayos pa rin ba ang lagay ng kanyang mga natulungan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel