Jessy Mendiola, ikinuwento ang dahilan ng pagkasira ng engagement moment nila

Jessy Mendiola, ikinuwento ang dahilan ng pagkasira ng engagement moment nila

- Hindi napigilang maiyak ni Jessy Mendiola habang ikinukwento ang tunay na nangyari umano sa engagement nila ni Luis Manzano

- Ayon sa aktres, nang magkahiwalay sila ni Luis nitong Mayo lamang, nasaktan siya ng todo

- Ito ay matapos ipasukat at ipakita sa kanya ng kaibigang alahera ang singsing na pinagawa ni Luis para sana sa kanya

- Nalaman ni Jessy ang tungkol sa engagement at nawalan na umano ng element of surprise ang pag-propose ni Luis nang magkabalikan sila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi nina Luis Manzano at Jessy Mendiola ang umano'y totoong pangyayari sa likod ng kontrobersiyal nilang engagement.

Matatandaang umani ng espikulasyon at sari-saring komento ang ibinahagi ng dalawa na mga litrato na kuha sa kanilang engagement shoot. Inintriga sila dahil tila nakabihis silang dalawa at planado umano ang lahat hindi kagaya ng iba na halatang walang kaalam-alam ang babae na magaganap ang proposal.

Jessy Mendiola, inaming nagkahiwalay sila ni Luis Manzano noong Mayo

Kilala raw ni Jessy ang alahera na may-ari ng Radiant kung saan pinagawa ni Luis ang singsing. Tinulungan daw ng aktres ang kompanya sa pagpo-promote ng produkto nito online noon.

Jessy Mendiola, ikinuwento ang dahilan ng pagkasira ng engagement moment nila

Photo from Jessy Mendiola (@senorita_jessy)
Source: Instagram

Kwento ni Jessy, hindi pa man nagaganap ang marriage proposal ni Luis, ipinakita at ipinasuot nito ang engagement ring na ipinagawa ng TV host.

Dahil dito, nawala yung element of surprise ng marriage proposal ni Luis. Na-deprive daw si Luis ng once-in-a-lifetime experience na makita ang priceless reaction ni Jessy.

Gayunpaman, mas pinili na lang umano nilang mag-isip ng paraan para mabura ang unpleasant experience nila sa pamamagitan ng pag-iba ng hitsura ng singsing.

Ang Manila Diamond Studio umano ang kanilang napiling tumulong sa kanila upang baguhin ang desenyo ng singsing.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang, naglabas ng pahayag ang Radiant tungkol sa umano'y hindi pagbigay ng credit nina Luis at Jessy sa kanila bilang designer ng engagement ring.

Zeinab Harake, ipinagtanggol ng kanyang kapatid sa mga bashers

Paglilinaw naman ni Luis, si Jessy at ang Manila Diamond Studio na ang nagdisenyo ng pinabago nilang singsing.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Jessy Mendiola ay nakilala sa kanyang mahusay na pagganap bilang si Maria Mercedes sa Philippine remake ng sikat na Mexican telenovela. Taong 2016 nang manguna siya sa listahan ng men's magazine na FHM Philippines.

Matapos isapubliko nina Luis at Jessy ang tungkol sa kanilang engagement, agad itong naging usap-usapan dahil sa mga espikulasyon at reaksiyon ng mga netizens. Kaya naman sa isang panayam ay nilinaw ng dalawa na Oktubre pa naganap ang proposal ni Luis.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel