Jessy Mendiola, inaming nagkahiwalay sila ni Luis Manzano noong Mayo

Jessy Mendiola, inaming nagkahiwalay sila ni Luis Manzano noong Mayo

- Inamin ni Jessy Mendiola na nagkahiwalay sila ni Luis Manzano nito lamang Mayo ng kasalukuyang taon

- Ibinahagi din ng aktres na Pebrero pa lamang ay naging madalas na ang kanilang pagtatalo na humantong nga sa hiwalayan

- Gayunpaman, ayon sa dalawa, ang kanilang paghihiwalay ay lalong naglapit sa kanila sa isa't-isa

- Para naman kay Luis, tinuturing niyang cool off lamang at hindi break up ang nangyari sa kanila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinunyag ni Jessy Mendiola na nagkahiwalay sila ni Luis Manzano nito lamang Mayo ng kasalukuyang taon. Ayon kay Jessy, hindi niya naisip na magkakabalikan pa sila noong mga panahong iyon.

Pagbabahagi pa ng aktres, Pebrero pa lamang ay naging madalas na ang kanilang pag-aaway maging noong Valentines Day.

Sa kabila naman ng kanilang madalas na pag-aaway, sinusubukan naman nilang dalawa na ayusin ang kanilang di pagkakaunawaan.

Read also

Jessy Mendiola, ikinuwento ang dahilan ng pagkasira ng engagement moment nila

Jessy Mendiola, inaming nagkahiwalay sila ni Luis Manzano noong Mayo
Photo from Jessy Mendiola (@senorita_jessy)
Source: Instagram

Ayon pa kay Jessy, isa sa pagkakaiba nilang dalawa ay si Luis ay kayang matulog nang hindi pa sila nakakapag-ayos dahil mas gusto niyang maging mas kalmado samantalang si Jessy ay ayaw matulog nang hindi sila nagkakaayos.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isa umano sa na-realize ni Jessy nang maghiwalay sila ay dapat isipin din niya ang mga pangangailangan ni Luis kagaya na lamang ng oras para kumalma siya kapag may kinakaharap silang problema.

Payo niya sa kanyang tagapanood, isipin din ang karelasyon at hindi lamang ang sarili. Natutunan niya umano ito nang maghiwalay sila ni Luis.

Bago pa man sila magkahiwalay ay nabili na ni Luis ang singsing. Setyembre nang taong 2019 nang mabili niya ang engagement ring.

Para naman kay Luis, tinuturing niyang cool off lamang at hindi break-up ang nangyari sa kanila.

Read also

Zeinab Harake, ipinagtanggol ng kanyang kapatid sa mga bashers

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Jessy Mendiola ay nakilala sa kanyang mahusay na pagganap bilang si Maria Mercedes sa Philippine remake ng sikat na Mexican telenovela. Taong 2016 nang manguna siya sa listahan ng men's magazine na FHM Philippines.

Matapos isapubliko nina Luis at Jessy ang tungkol sa kanilang engagement, agad itong naging usap-usapan dahil sa mga espikulasyon at reaksiyon ng mga netizens. Kaya naman sa isang panayam ay nilinaw ng dalawa na Oktubre pa naganap ang proposal ni Luis.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel