Matet at Lotlot de Leon, Nagpahayag ng pagsuporta kay Ian de Leon

Matet at Lotlot de Leon, Nagpahayag ng pagsuporta kay Ian de Leon

- Matapos ang paglabas ng balitang hindi sinipot ni Ian de Leon ang inihandang dinner ng ina para sa kaarawan niya, umani ng pambabatikos ang aktor

- Marami sa mga nambatikos ay masugid na tagahanga ng kanilang inang si Nora Aunor

- Hindi naman hinayaan ng kanyang mga kapatid na malugmok sa kalungkutan si Ian at inihayag nila ang kanilang suporta at pagmamahal para dito

- Sa kanilang social media account ay ibinahagi nina Lotlot at Matet de Leon ang kanilang mensahe para sa kapatid

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ng magkapatid na Lotlot at Matet de Leon ang kanilang pagsuporta sa kanilang kapatid na si Ian de Leon sa gitna ng kinakaharap nitong kontrobersiya.

Matatandaang umani ng pambabatikos ang aktor matapos lumabas ang isang write-up tungkol sa umano'y hindi niya pagsipot sa dinner na inihanda ng kanyang inang si Nora Aunor na para sana sa kanyang kaarawan.

Read also

Ian de Leon, emosyonal na nagbigay ng mensahe sa inang si Nora Aunor

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matet at Lotlot De Leon, Nagpahayag ng pagsuporta kay Ian De Leon
Photo from Ian de Leon (@ian_de_leon_official)
Source: Instagram

Kasunod nito, isang maiksing mensahe ang ibinahagi ng kapatid niyang si Matet kung saan inihayag ng aktres ang pagmamahal sa kanyang kuya Ian.

Maging si Lotlot ay hindi na nagbahagi pa ng kung anong pahayag kundi pagmamahal lamang para sa kapatid.

Matagal na panahon nang naging mainit na usapin ang tungkol sa umano'y pagtatampuhan ng mag-iina. Madalas na mabatikos ang magkakapatid dahil sa umano'y pagpapabaya nila sa kanilang sariling ina.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Ian de Leon ay isang aktor sa Pilipinas. Siya ay anak ni Christopher de Leon at Nora Aunor. Pinakamahusay na siya ay kilala para sa kanyang papel bilang Commander Zion sa Zaido at mayroon ding isang lead role sa kanyang pelikula sa Halimaw.

Read also

Lolit Solis, hindi nagpatumpik-tumpik sa kanyang pahayag tungkol sa isyu ni Nadine Lustre at ng VIVA

Matatandaan na inalmahan ng magkakapatid na Matet, Ian at Lotlot ang bintang na pinabayaan nila ang kanilang ina.

Naging isyu din na hindi nakadalo si Nora sa kasal ni Lotlot sa asawa nitong Lebanese businessman na si Fadi El Soury. kaya naman inihayag niya ang kanyang saloobin hinggil sa lumabas na mga haka-haka.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel