Andi Eigenmann, sinurpresa ang pamilya sa DIY gender reveal ng kanilang baby no. 3

Andi Eigenmann, sinurpresa ang pamilya sa DIY gender reveal ng kanilang baby no. 3

- Si Andi Eigenmann mismo ang gumawa ng cupacakes para sa gender reveal ng kanyang ikatlong anak

- Aminado na matagal na siyang excited na sabihin ito sa kanyang pamilya kaya nahirapan talaga siyang ilihim ito

- Sa loob ng cupcakes makikita ang kulay na blue o pink na siyang magsasabi ng kasarian ng sanggol na nasakanyang sinapupunan

- Ang partner ni Andi na si Philmar Alipayo at maging ang panganay niyang anak ay nagnanais ng baby boy ngunit ayon kay Ellie, pakiramdam daw niya na babae pa rin ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinunyag na ni Andi Eigenmann ang kasarian ng kanilang baby number 3 sa pamilya.

Sa kanilang YouTube channel, ibinahagi ni Andi ang kanyang Do it yourself gender reveal na naisipan niyang gawin upang i-supresa ang kanyang pamilya.

Nalaman gn KAMI na naisip ni Andi na gumawa ng mga cupacakes at sa loob nito makikita ang kulay na 'pink' o 'blue' na siyang magsasabi kung babae ba o lalake ang kasarian ng ikalawang anak nila ni Philmar Alipayo.

Allan K, emosyonal na idinetalye kung paano niya napaglabanan ang COVID-19
Andie Eigenmann, sinurpresa ang kanyang family sa DIY gender reveal ng kanilang baby no. 3

Photo from @andieigengirl/ Andie Eigenmann
Source: Instagram

Sa video, makikitang medyo nahirapan si Andi sa paglalagay ng kanyang 'gimik' sa cupcake gayung laging nasa tabi niya ang panganay niyang si Ellie. Gayundin si Philmar na agad siyang pinuntahan pagkagising kasama ang anak nilang si Lilo.

Ngunit napagtagumpayan pa rin niyang ilagay ang kulay sa loob ng cupcakes habang naghahanda ang kanilang pamilya para sa gender reveal. Kapansin-pansin na nakasuot na sila ng blue dahil gusto raw talaga nina Ellie at maging ni Philmar ng baby boy.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

"I want a boy but I think it's a girl!" ang nasambit ni Ellie bago pa man niya kainin ang cupcakes upang makita ang kulay na nasa loob nito.

Inakala nila noong una na white ang kulay ng nasa loob ngunit nang tingnan muli ito ni Philmar "that's blue" ang nasabi niya.

Babae ni mister, walang takot kung magbitaw ng salita laban sa legal wife

Masaya ang pamilya at natupad ang kanilang hiling na magkaroon na sila ng baby boy.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Happy Islanders YouTube:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Andi Eigemann ay isa sa kilalang aktres sa bansa. Siya ay anak mga primyadong aktres at aktor na sina Jacklyn Jose at Mark Gil. Kasalukuyan nang namamalagi sa isla si Andie kasama ang kanyang partner na si Philmar Alipayoat mga anak na sina Lilo at Ellie. Mayroon silang YouTube channel na 'Happy Islanders.'

Kamakailan ay ibinahagi nina Andie at Philmar ang masayang bonding nila ng kanyang pamilya sa Batangas.

Ilang araw bago ito, nagdiwang at nagkaroon ng simpleng birthday celebration si Ellie na ngayon ay 9 years old na.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel