Lolit Solis, hindi nagpatumpik-tumpik sa kanyang pahayag tungkol sa isyu ni Nadine Lustre at ng VIVA

Lolit Solis, hindi nagpatumpik-tumpik sa kanyang pahayag tungkol sa isyu ni Nadine Lustre at ng VIVA

- Ibinahagi ni Lolit Solis ang kanyang opinyon hinggil sa isyu ni Nadine Lustre at ng VIVA Artist Agency

- Inihayag niya ang kanyang pagkadismaya na nagkaroon ng problema ang VIVA kay Nadine matapos ang pag-aalaga nila sa career ng aktres

- Matatandaang nagsampa ng kaso ang VIVA sa aktres dahil sa umano'y patuloy nitong paglabag sa kanyang pinirmahang kontrata

- Ang VIVA ang talent agency na nangalaga kay Nadine noong nagsimula siyang sumikat dahil sa una niyang pelikulang 'Diary ng Pangit'

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Bilang isang talent manager, hindi nakapagtatakang ibahagi ni Lolit Solis ang kanyang pananaw hinggil sa isyung kinasasangkutan ni Nadine Lustre at ng talent agency na VIVA Artists Agency.

Ayon sa batikang showbiz news writer, maiging i-reassess ng mga talent ang kanilang working attitude kapag hindi sila nakukuntento sa mga ginagawa para sa kanila ng kanilang management.

Luis Manzano, nilinaw na engagement shoot ang naganap sa Amanpulo
Usually Salve iyon mga talents na hindi contented at maraming complaints, hindi talaga nasa satisfy kahit ano pa ibigay mo at marating nila. Puwede siguro na valid iyon iba nila reklamo, but mas mabuti na sila din ire assess ang kanilang working attitude.
Lolit Solis, hindi nagpatumpik-tumpik sa kanyang pahayag tungkol sa isyu ni Nadine Lustre at ng VIVA

Lolit Solis with Cristy Fermin and Mr. Fu. Photo from Lolit Solis (@akosilolitsolis)
Source: Instagram

Naniniwala din umano siyang totoong kapag walang talent ang isang artista ay wala itong mararating ngunit dapat umano ay give and take lang para magtagumpay.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Aniya, totoo ito lalo na sa mga artistang nagsisimula pa lamang. Kasunod nito ay inihayag niya ang pagkalungkot niya tungkol sa isyu ni Nadine at ng VIVA.

So sad na pagkatapos ng hirap ng Viva, magkaruon sila ng problema kay Nadine Lustre. Sad pag ang isang talent at ang kanyang management hahantong pa sa korte dahil hindi nagka intindihan.
Ian de Leon, emosyonal na nagbigay ng mensahe sa inang si Nora Aunor

Idinagdag niya ring maganda umano ang record ng nasabing talent agency pagdating sa pag-aalaga ng kanilang mga talents.

Hiling niya na sana ay magkaayos at magkausap ang magkabilang kampo.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Lolit Solis ay isang kilalang entertainment writer at talent manager. Naging bahagi siya ng ilang talkshow sa Kapuso Network.

Bukod sa kanyang pagsusulat sa isang print and digital newspaper, kadalasan ay naibabahagi niya ang kanyang opinyon sa Instagram. Kaya naman ikinabahala niya nang minsan ay hindi niya mabasa ang mga komento ng netizens sa kanyang posts.

Kamakailan nga ay pinuri ni Lolit si Luis Manzano sa pagsagot nito sa mga bashers niya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Online view pixel