Jessy Mendiola, ibinahagi ang sinabi ni Luis sa kanya apat na taon na ang nakaraan

Jessy Mendiola, ibinahagi ang sinabi ni Luis sa kanya apat na taon na ang nakaraan

- Isang araw matapos isapubliko ang kanilang engagement ni Luis Manzano, muling nagbahagi ng litrato si Jessy Mendiola

- Kalakip ng litratong kuha sa Amanpulo, ibinahagi ni Jessy ang umano'y sinabi sa kanya noon ni Luis apat na taon na ang nakalilipas

- Marami ang kinilig sa ibinahaging ito ni Jessy na patunay na totoo ang sinabi sa kanya noon ni Luis

- Matatandaang ibinahagi ng dalawa nitong December 12 na sila ay engaged na

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang pagbabalik-tanaw ang ibinahagi ni Jessy Mendiola nang muli siyang magbahagi ng litrato nila ni Luis Manzano na kuha sa Amanpulo.

Ayon sa aktres, sinabi ni Luis sa kanya ang mga katagang iyon apat na taon na ang nakalilipas.

Jessy Mendiola, binahagi ang pangako ni Luis sa kanya apat na taon na ang nakaraan
Jessy Mendiola and Luis Manzano during their vacation in Paris, France. Photo from Jessy Mendiola (@senorita_jessy)
Source: Instagram

“And when everything falls into place, I will be right there beside you.” - you said this to me 4 years ago, my love. Look where we are now.

Read also

Luis Manzano, nilinaw na engagement shoot ang naganap sa Amanpulo

Isinapubliko ng dalawa ang tungkol sa kanilang engagement nito lamang Sabado, December 12, 2020 kasabay ng pagbabahagi ng ilang mga litrato na kuha sa tabing dagat sa Amanpulo.

Matatandaang nilinaw nila na hindi iyon ang mismong araw ng engagement dahil naganap ang engagement noong Oktubre pa.

Ginawa na lamang nila ang photoshoot para sa kanilang announcement at para ipagdiwang na rin ang kanilang engagement.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Luis Manzano ay isa sa pinakakilalang TV host at Game show host sa bansa. Ilan sa mga game niya ay ang Minute to Win It, Your Voice Sounds Familiar at Family Feud. Bukod sa pag ho-host, nakilala din siya sa pag-arte sa pelikula at telebisyon. Anak siya ng batikang aktres na si Vilma Santos at ng dati nitong partner na si Edu Manzano.

Read also

Elha Nympha, hot topic sa social media dahil sa kanyang swimsuit photos

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Matatandaang ilang beses nang napapabalita na engaged na ang dalawa dahil sa singsing na suot ni Jessy sa ilang mga pagkakataon.

Nagkaruon din ng litratong lumabas kung saan makikitang nagsusukat siya ng wedding dress. Gayunpaman, nilinaw ni Jessy na kuha iyon sa isang pelikulang kanyang ginawa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel