Vice Ganda, pinasilip ang kanyang bonggang walk-in closet sa bagong bahay

Vice Ganda, pinasilip ang kanyang bonggang walk-in closet sa bagong bahay

- Ibinahagi ni Vice Ganda ang ilang eksena sa kanilang paglilipat sa kanyang bagong bahay

- Aniya, nakakapagod ang kanilang ginawa sa kanilang paglilipat ngunit may mga tumutulong naman sa kanya

- Isa sa kanilang inayos ay ang walk-in closet ni Vice na talaga namang namumutiktik sa mga branded na gamit

- Matatandaang ibinahagi kamakailan ng TV host ang kakatapos lang na bagong bahay niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ipinasilip ni Vice Ganda ang kanyang Walk-in closet sa kanyang bagong pinagawang bahay. Makikita sa mga ibinahaging Instagram Story ng TV host na nag-aayos sila ng mga gamit sa kanyang closet.

Kapansin-pansin ang mga kahon ng mga branded na bags at gamit na makikita sa video.

Pagbabahagi ni Vice, nakakapagod lumipat ngunit may mga kaibigan naman siyang tumutulong sa kanya sa kanyang paglilipat.

Vice Ganda, pinasilip ang kanyang bonggang walk-in closet sa bagong bahay
Photo from Flickr
Source: UGC

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Elha Nympha, hot topic sa social media dahil sa kanyang swimsuit photos

Matatandaang sa part 2 ng kanyang tour house vlog, sinabi niyang paborito niyang bahagi ng bagong bahay niya ang kanyang walk-in closet.

"This is my favorite part, this is the walk-in closet. Ito ang pinakamalaking area sa bahay, mas malaki pa sa master's bedroom. Lalagyan ng gowns, gowns and gowns. Lalagyan ng shoes, shoes and shoes," pagbabahagi niya sa kanyang mga viewers.

Naibahagi niya ring wala nang house warming na magaganap sa kadahilanang pinagbabawal ang pagtitipon tipon dahil sa COVID.

Anim na taon nang nabili ni Vice ang property at inabot ng tatlong taon ang pagpapagawa ng bahay.

"Binili ko ‘to para sa lolo ko. Nung namatay ang lolo ko, sobra akong na-sad, nawalan ako ng ganang ipatayo siya. Tumengga siya ng ilang taon," kwento nya.

Mayroon ding elevator ang kanyang bagong bahay na kanyang pinasadyang pinagawa para hindi na mahirapan ang kanyang ina.

"May elevator kasi siyempre ‘yung nanay ko pagpupunta rito, masakit ‘yung tuhod, hindi niya kakayaning umakyat. Kaya nagpagawa ako ng elevator for her,” dagdag pa niya.

Read also

Lolit Solis, hindi nagpatumpik-tumpik sa kanyang pahayag tungkol sa isyu ni Nadine Lustre at ng VIVA

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Vice Ganda ay isang aktor, TV host at komedyante na bumida na sa maraming pelikula kagaya ng Sisterakas, Praybeyt Benjamin, at Revenger’s Squad na talaga namang kumita sa takilya. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics. Nakapagtanghal na rin siya sa iba't-ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng kanyang concert.

Samantala, kamakailan ay kinaaliwan ang video ni Vice Ganda kung saan sinubukan niyang maging empleyado ng isang kainan.

Naging usap-usapan din ang video ng TV host kung saan makikita kung paano sila inilikas sa cottage na kanilang tinutuluyan nang humagupit ang bagyong Ulysses.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel