Janella Salvador, blooming na blooming sa mga bagong Instagram post

Janella Salvador, blooming na blooming sa mga bagong Instagram post

- Marami ang naghayag ng kanilang pagka-miss sa aktres na si Janella Salvador

- Ito ay matapos magbahagi ng panibagong litrato ang aktres kung saan may hawak siyang isang tasa ng kape

- Marami rin ang nakapuna sa lalong gumandang kutis nito at lalo umano itong gumanda

- Matatandaang kamakailan ay lumabas ang haka-hakang nanganak umano ang aktres

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos lumabas ang usap-usapang nanganak na siya, ibinahagi ni Janella Salvador ang kanyang mga bagong litrato kung saan makikita ang kanyang kutis ng malapitan.

Marami sa kanyang mga tagahanga ang natuwa na sa wakas ay nakita nila si Janella dahil kalimitan ay mga throwback pictures lamang umano ang ibinabahagi nito.

Janella Salvador, blooming na blooming sa mga bagong Instagram post
Photo from Janella Salvador (@superjanella)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Matet at Lotlot de Leon, Nagpahayag ng pagsuporta kay Ian de Leon

Sa kanyang bagong Instagram post, makikita sa mga litrato ang iba't-ibang reakasiyon sa kanyang mukha habang hawak ang iniendorsong kape.

Matatandaang naging usap-usapan ang pagpunta ni Janella sa United Kingdom matapos isapubliko nila ni Markus Paterson ang tungkol sa kanilang relasyon.

Kasunod nito ay ang paglabas ng haka-hakang buntis siya kaya sila pumunta sa UK kung saan nakatira ang ama ni Markus. Kasama ni Janella ang nanay niyang si Janine Desiderio at kapatid ng aktres.

Sa kabila ng ma lumabas na bali-balita, nanatiling tikom ang bibig ng magkarelasyon at maging ng mga kaibigan nila sa showbiz hinggil sa isyu.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Si Janella Salvador ay nakilala sa kanyang husay sa pag-awit at sa pag-arte. Naipareha siya kay Elmo Magalona sa teleseryeng Born For You. Gayunpaman, hindi naging maganda ang kinalabasan ng kanilang relasyon matapos sabihin ni Janella na sinaktan umano siya ni Elmo. Nagkatampuhan din si Janella at ang ina nito noong panahong napapabalitang si Elmo ang kanyang karelasyon.

Read also

Ian de Leon, emosyonal na nagbigay ng mensahe sa inang si Nora Aunor

Matatandaang naging kontrobersiyal ang isyu tungkol sa aktres at dating P.A. nito matapos mag post sa social media ang sinibak niyang PA at dumulog sa programa ni Raffy Tulfo.

Ipinagtanggol naman ni Markus ang aktres sa pamamagitan ng pagbahagi ng kanyang pananaw tungkol sa isyu ng pagkakatanggal ng isang empleyado

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel