Julia Barretto, buong tapang na sinagot ang mga katanungan ng netizens

Julia Barretto, buong tapang na sinagot ang mga katanungan ng netizens

- Buong tapang na sinagot ni Julia Barretto ang ilan sa mga maiinit na tanong para sa kanya

- Habang sumasagot sa mga tanong ay kumakain siya ng mga maaanghang na pagkain

- Ilan sa mga tanong na kanyang sinagot ay tungkol sa kanyang first kiss at kung ano ang pinakakinatatakutan niya

- Ayon pa sa aktres, mahilig siya sa maaanghang na pagkain kaya nagustuhan niya ang challenge

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapang na sinagot ni Julia Barretto ang mga nakakaintrigang tanong para sa kanya sa kanyang YouTube video na pinamagatang "Spicy Mukbang Challenge + Q & A."

Ayon kay Julia, mahilig talaga siya sa maaanghang at isa-isa niyang tinikman ang mga nakahain sa kanyang harapan habang sinusubukang sagutin ang mga tanong. Ang mga pagkaing nakahanda ay Spicy chips, Samyang noodles, spicy chicken wings at cup noodles.

Read also

Ian de Leon, emosyonal na nagbigay ng mensahe sa inang si Nora Aunor

Julia Barretto, buong tapang na sinagot ang mga katanungan ng netizens
Photo from Flickr
Source: UGC

Naitanong sa kanya kung kailan at saan nagganap ang kanyang first kiss at sinagot niyang sa sasakyan umano ngunit hindi na niya nabanggit kung kailan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nang tanungin naman kung sino ang kanyang ultimate celebrity crush, sinagot niyang wala sa kasalukuyan ngunit nabawi rin ito nang tanungin siya kung kailan siya huling nagsinungaling.

Nang tanungin kung saan siya obsessed, sinabi niyang mahilig siyang mangolekta ng perfume.

Paboritong niyang bahagi ng kanyang katawan ang kanyang bewang dahil ito umano ang pinakahuling lumalaki kapag nadadagdagan ang kanyang timbang.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Julia Barretto ay anak ng komedyanteng si Dennis Padilla at aktres na si Marjorie Barretto. Nagsimula siya sa showbiz bilang si Anna Calugdan sa fantaseryeng Kokey sa ABS-CBN. Dahil sa galing niya sa pag-arte ay naging bahagi siya ng maraming mga serye at pelikula.

Read also

Vice Ganda, pinasilip ang kanyang bonggang walk-in closet sa bagong bahay

Ilan sa mga ito ay Gulong ng Palad, Walang Kapalit, Palos, And I Love You So, A Love To Last, Para Sa Hopeless Romantic, at Vince and Kath and James.

Sa nakaraang video na kanyang ibinahagi, pinasilip ni Julia ang kanyang koleksiyon ng mga designer bags. Ibinahagi niya rin sa kanyang subscribers ang kanyang walk-in closet.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel