Misis na binabawasan ang baong pagkain ng mister, nagpakilig sa netizens

Misis na binabawasan ang baong pagkain ng mister, nagpakilig sa netizens

- Nag-viral ang post ng isang misis na nagagawang kagatan ang baon na sandwich ng kanyang mister

- Sa unang beses na ginawa niya ito, inakala pa ng mister na mayroong ibang tao na kumagat sa kanyang baon na sandwich

- Doon ipinaliwanag ng misis na ito ang paraan niya upang maipadama sa mister na sabay pa rin naman sila kumain kahit na sila ay hindi magkasama

- Maraming netizens ang kinilig sa simpleng gawain na ito ng misis kung saan naipadadama niya ang pagmamahal sa mister

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena sa social media ang post ng misis na si Tracy Howell tungkol sa sandwich na inihahanda niya para sa kanyang mister na si Clifford.

Nalaman ng KAMI na labis na nagtataka ang mga netizens nang makita ang baon ni Clifford na may kagat na ni Tracy.

Read also

Buntis, ipina-Tulfo ang mister na sinaktan siya dahil lang sa isang social media post

Kwento ni Tracy, noong una pa man, ay araw-araw na niyang ipinaghahanda ng pagkain ang mister na babaunin nito sa trabaho.

Misis na binabawasan ang baong pagkain ng mister, kinagiliwan ng netizens
Ang viral couple na sina Tracy at Clifford Howell Photo from Tracy Howell
Source: Facebook

Minsan, nagagawa pa umanong pumunta ni Tracy sa trabaho ni Clifford upang sila ay sabay na mananghalian. Ngunit hindi ito palagian.

Minsan nabanggit ng mister na tila mas nagiging masarap ang kanyang baon kung kasalo niya ang taong mahal niya.

Kaya naman naisipan ni Tracy na kagatan ang sandwich ni Clifford na siyang ipapabaon niya rito.

Pag-uwi ng mister, inakala pa nito na mayroon siyang katrabaho na kumagat sa kanyang baon.

"I told him that since I couldn’t join him for lunch, I took a bite so he knew I was joining him," paliwanag ni Tracy sa kanyang mister.

Mula noon, ginagawa ito ng misis maliban na lang kung ang kanyang inihanda ay tuna or pimento cheese.

"Saw you joined me for lunch today and it sure was good,” ang nasasambit ng mister kay Tracy tuwing umuuwi ito mula sa trabaho.

Read also

Babae ni mister, walang takot kung magbitaw ng salita laban sa legal wife

Dahil dito, maraming netizens ang kinilig at humanga sa pag-iibigan ng dalawa.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Great story! Small town love story gone viral."

"What a sweet memory to cherish!"

"That is the most beautiful thing I have ever heard!!"

"That is so sweet! Happy Anniversary! Keep hugging each other tight!!"

"Y’all are the sweetest and have such a great story from the very first date."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, una nang naibahagi ng KAMI ang kwento ng kakaibang engagement kung saan sinurpresa ng nobyo ang kanyang girlfriend ng singsing sa kanyang daliri bago pa man ito magising.

Nagpakilig din sa marami ang surpresa ng isang misis para sa ika-17 anibersaryo nila ng kanyang mister. Binigay kasi nito ang pinakaaasam nitong mamahaling helmet kaya naman napaiyak siya nang makitang ito ang regalo sa kanya ng kanyang misis.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel