Ogie Diaz, nagbigay ng prangkang payo kay Nadine Lustre

Ogie Diaz, nagbigay ng prangkang payo kay Nadine Lustre

- Ibinahagi ni Ogie Diaz ang kanyang opinyon kaugnay sa isyung kinakasangkutan ni Nadine Lustre

- Ito ay matapos kasuhan ng VIVA Artists Agency ang aktres kaugnay sa paglabag umano nito sa kanyang pinirmahang kontrata

- Payo ni Ogie, dapat ay makipag-ugnayan ang aktres sa VAA at makipag-settle na lamang kung ayaw niya na sa talent agency

- Matatandaang sinabi ng kampo ng aktres na handa silang harapin sa korte ang Viva kaugnay sa isyu

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Si Ogie Diaz ay nagbahagi ng kanyang pananaw hinggil sa pagsampa ng kaso ng VIVA Artists Agency laban sa aktres na si Nadine Lustre kaugnay sa paglabag umano nito sa kanyang pinirmahang kontrata.

Ayon sa kilalang talent manager, ang Viva o VAA ang nagbigay ng break kay Nadine Lustre. Ito ang nangalaga sa career ng aktres noong nagsisimula pa lamang ito.

Read also

Matet at Lotlot de Leon, Nagpahayag ng pagsuporta kay Ian de Leon

Matapos niyang maisama sa isang pelikula ni Vice Ganda, ang pelikulang "Diary ng Pangit" ang naging unang pelikulang pinagbidahan niya kung saan naitambal siya kay James Reid.

Ogie Diaz, nagbigay ng prangkang payo kay Nadine Lustre
Photo by Kristian Dowling
Source: Getty Images

Pagbabalik-tanaw pa ni Ogie, Enero ng kasalukuyang taon ng isinapubliko ng kampo ni Nadine sa pamamagitan ng abogado nito na pwede nang tumanggap si Nadine ng proyekto at siya na mismo ang nagma-manage sa kanyang career.

Dito din nila inilabas na wala nang karapatan ang Viva sa pagpapatakbo ng career ni Nadine.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dagdag pa ni Ogie, naniniwala siyang nasa pag-uusap lang malulutas ang isyu. Kaya naman payo ni Ogie, “Nadine, pag-isipan mong mabuti. Kung ayaw mo na talaga, pumunta ka doon at mag-settle kayo.”

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Read also

Ian de Leon, emosyonal na nagbigay ng mensahe sa inang si Nora Aunor

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Nakilala siya sa kanyang pagganap bilang si Pekto sa comedy show na Palibhasa Lalake.

Kamakailan ay naging usap-usapan ang pagtanggi ni Ogie na i-endorse ang pelikula ng isang artistang alam niyang nag "yes to ABS-CBN shutdown."

Bilang kilala sa pagiging prangka sa pagbabahagi ng kanyang opinyon, hindi maiwasang makatanggap ng pambabatikos si Ogie. Bumwelta siya sa mga nagsasabing isa siyang "dilawan."

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel