Allan K, emosyonal na idinetalye kung paano niya napaglabanan ang COVID-19

Allan K, emosyonal na idinetalye kung paano niya napaglabanan ang COVID-19

- Sa "Bawal Judgmental" ng 'Eat Bulaga', unang beses ibinulalas ni Allan K kung paano niya nalampasan ang pagkakaroon ng COVID-19

- Napakarami na kasing pagsubok ang dumaan sa kanya ngayong taon kung saan dalawa sa kanyang mga kapatid ang namatay

- Sumabay pa rito ang pagsasara ng dalawang negosyo niyang comedy bar kaya naman masasabing matitindi na ang pinagdaanan ng komedyante bago pa man siya tamaan ng virus

- Laking pasalamat niya sa 'Eat Bulaga' family niya lalong lalo na raw sa mag-asawang sina Vic Sotto at Pauline Luna-Sotto na siyang unang nakaalam ng kanyang kalagayan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Buong tapang na isinalaysay ng komedyanteng si Allan K ang naging karanasan niya sa pakikipaglaban sa COVID-19.

Nalaman ng KAMI na marami ang napaiyak ni Allan K nang mapanood ang episode ng 'Bawal Judgmental' ng Eat Bulaga ngayong Sabado, Disyembre 12 kung saan isa ang nasabing komedyante sa mga pamimilian.

Read also

Ian de Leon, emosyonal na nagbigay ng mensahe sa inang si Nora Aunor

Inilahad niya ang bawat kaganapan mula nang mapag-alaman niyang COVID-19 na nga ang kanyang karamdaman.

Allan K, emosyonal na idinetalye kung paano niya napaglabanan ang pagkakaroon ng COVID-19
Talagang napaiyak na si Allan K habang ikinikwento ang laban niya sa pagkakaroon ng COVID-19 Screengrab from Eat Bulaga video
Source: UGC

"In denial ako na mako-COVID ako. Nung magsimula ang 2020, masyado nang maraming hindi maganda na nangyari sa buhay ko," pahayag ni Allan na hindi na napigilan ang luha habang siya ay nagkikwento.

Matatandaang ngayong taon, pumanaw ang kanyang bunsong kapatid at makalipas lamang ang dalawang buwan ay pumanaw din ang kapatid niyang babae na nanirahan pa sa kanyang poder sa loob ng 17 na taon.

Dala ng pandemya, nagsara pa ang kanyagn dalawang negosyo kaya naman masasabing patong-patong na ang pagsubok na kinaharap ni Allan K sa taong ito.

At nang magkaroon siya ng COVID-19, ganoon na lamang ang takot na kanyang naramdaman dahil bukod sa severe case siya, diabetic pa siya at aminadong nagkaka-edad na.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Read also

Andie Eigenmann, sinurpresa ang pamilya sa DIY gender reveal ng kanilang baby no. 3

Masasabing masuwerte pa rin si Allan dahil kung nahuli pa siya ng dalawang araw sa pagpapa-doktor, marahil ay nalagyan na rin siya ng tubo.

"Kumapit ako sa favorite ko na verse sa Bible, Exodus 50 Verse 26," emosyonal na sinabi ni Allan na lumabas daw talaga ang kanyang pagiging kristyano sa mga panahong nilalabanan niya ang virus.

Pinasalamatan niya sina Vic Sotto at asawa nitong si Pauline Luna na una nang nakaalam na nagpositibo si Allan K sa virus. Nagpasalamat din siya kay Mayor Vico Sotto na hindi siya pinabayaan lalo na at sa isang ospital siya sa Pasig City na-admit. At sa iba pa niyang mga Dabarkads na nagpalakas sa kanya sa panahong sinubok lalo ang kanyang katatagan.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Eat Bulaga YouTube:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Dating child star na si Maybelyn Dela Cruz, tinamaan ng COVID

Si Allan K ay isang komedyante at TV host ng longest-running noontime show sa Pilipinas, ang Eat Bulaga. Siya rin ang owner ng mga sikat na comedy bars sa bansa na "Klownz" at "Zirkoh."

Isa si Allan K sa mga labis na sinubok ng pandemya dahil dalawa sa kanyang kapatid ay pumanaw nang hindi manlang niya nasilayan.

Bukod pa rito, ang dalawang patok na negosyo niya ay tuluyan nang nagsara dala ng epekto ng pandemya. Tila parang namatayan daw siya ng kambal na anak sa pagsasara ng dalawang comedy bars na ito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel