OFW, nakatipid sa pagpapatayo ng bahay dahil sa mister na matiyagang gumawa nito

OFW, nakatipid sa pagpapatayo ng bahay dahil sa mister na matiyagang gumawa nito

- Kahanga-hanga ang OFW na ito na nakapagpundar na ng ilang ari-arian sa loob lamang ng limang taon

- Kabilang na rito ang bahay niyang naipatayo sa tulong mismo ng kanyang mister na siyang gumawa nito

- Malaki raw talaga ang natipid ng OFW dahil sa paggawa mismo ng mister sa kanilang tahanan

- Laking pasalamat pa rin ng OFW dahil kahit na pandemya, mayroon pa rin siyang hanapbuhay at kasama pa siya sa pagbabakasyon ng kanyang mabuting amo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakakabilib ang kasipagan at katatagan ng overseas Filipina worker na si Chelz'k Liman-ay Decierdo dahil sa loob lamang ng limang taon, nagbunga na ang mga pinaghirapan niya sa abroad.

Nalaman ng KAMI na mayroon nang sariling bahay at lupa si Chelz.

Ang nakamamangha pa rito, malaki raw ang natipid niya sa pagpapatayo ng kanilang tahanan dahil ang mismong gumawa nito ay ang kanyang mister.

OFW sa Japan, dinaan sa tula ang pagka-miss sa pamilya ngayong Kapaskuhan
OFW, nakatipid sa pagpapatayo ng bahay dahil sa mister na matiyagang gumawa nito

Photo from Chelz'k Liman-ay Decierdo
Source: Facebook

Bukod sa bahay at lupa, nakabili na rin siya ng mga kagamitan sa bahay at sariling motor.

"Ang inspirasyon ko po ang mga anak ko dahil nangarap ako na makatira sila sa medyo magandang bahay at pagpadating ng panahon ay mapag-aral ko sila sa college kaya sila ang inspirasyon ko sa pag-abroad," pahayag ni Chelz sa KAMI.

Tulad ng ibang mga OFW, nakararanas din ng labis na pagkalungkot si Chelz. Nalalabanan lamang niya ito dahil sa video call na madalas naman nilang nagagawa ng kanyang pamilya.

OFW, nakatipid sa pagpapatayo ng bahay dahil sa mister na matiyagang gumawa nito

Ang bahay na naipundar ni Chelz sa limang taon niyang pag-a-abroad Photo from Chelz'k Liman-ay Decierdo
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Nagpapasalamat pa rin si Chelz dahil sa kabila ng pandemya, mayroon pa rin siyang hanapbuhay.

Katunayan, kasama pa siya ng amo niya sa kanilang pagbabakasyon. Naaliw naman ang OFW dahil unang beses pa lamang daw siyang makapunta muli sa ibang bansa bukod sa pinapasukan niyang trabaho.

OFW, malapit nang mapirmi sa bansa dahil sa naipundar na mga negosyo

Payo niya sa mga kapwa niya OFW na matutong magtiis at magsumikap dahil tulad niya, unti-unti na niyang nakakamit ang mga bagay na dati lamang niyang pinapangarap.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kamakailan, isang OFW din ang nagbahagi sa atin ng kwento ng kanyang nakamit na tagumpay sa pagkakaroon ng sarili niyang Travel and Tours business. Palalaguin na lamang niya ito upang makabalik na sa bansa at hindi na muling manilbihan pa abroad.

Gayundin ang isa nating kababayan na bagaman at aminadong di kalaihan ang kita abroad ay nakapagpundar pa rin ng bahay at ari-arian.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel