Vlogger, kinumusta ang kalagayan ng lolo na basurerong minsan na nilang natulungan

Vlogger, kinumusta ang kalagayan ng lolo na basurerong minsan na nilang natulungan

- Muling binalikan ng vlogger na si Archie Hilario ang kalagayan ng lolo na basurerong minsan na nilang natulungan

- Nakalulungkot isipin na makalipas ang halos isang taon, balik na naman ito sa pangangalakal at iniwan na ulit ito ng anak niyang nakasama niya noon

- Matatandaang nag-viral ang video tungkol sa matandang ito lalo nang malaki ang kanyang ipinagbago sa tulong ng grupo ng vlogger

- Muli ngayong nagpapasalamat ang lolo dahil hindi niya inaakalang kukumustahin siya nina Archie upang matulungang muli

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kinumusta ni "Pobreng Vlogger" Archie Hilario ang minsan na niyang natulungan na si Rodel Gumban o mas kilala sa tawag nilang "Tatay Camlon."

Nalaman ng KAMI na nangangalakal at isang basurero ang 70-anyos na matanda nakatira noon sa wasak na bahay.

May ilang dumulog kay Archie para mabigyang pansin at matulungan si Tatay Camlon at hindi naman niya ito binigo.

Read also

Matet at Lotlot de Leon, Nagpahayag ng pagsuporta kay Ian de Leon

Vlogger, kinumusta ang kalagayan ng basurerong minsan na nilang natulungan
Si Tatay Camlon nang muling bisitahin ng grupo ni Archie Hilario Screengrab from Archie Hilario-Pobreng Vlogger video
Source: UGC

Matatandaang bukod sa mga grocery items, damit at sapatos, nabigyan pa noon ng libreng makeover si Tatay Camlon sa tulong ng isang stylist na nagmalasakit sa kanya.

Masayang masaya pa noon ang matanda dahil isinama pa siya ni 'Kapobreng Archie' sa McDonald's para kumain. Iyon pala ang unang pagkakataon sa kanyang buhay na makakapasok siya sa nasabing fast food.

Ibinalita rin noon ni Tatay Camlon na uuwi ang kanyang anak upang siya ay magkaroon na ng kasama sa bagong bahay na ipinatayo rin sa tulong ng vlogger at mga netizens na nagpadala ng tulong pinansyal.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ngunit nang kumustahin muli ni Archie ang matanda, tila bumalik na naman ito sa dati niyang buhay lalo na at iniwan siya muli ng kanyang anak.

Kwento ni Tatay Camlon, sumama muli paluwas sa Maynila ang kanyang anak sa nobyo nito kaya mag-isa na naman siya sa kanilang tirahan.

Read also

Allan K, emosyonal na idinetalye kung paano niya napaglabanan ang COVID-19

Magulo at marumi na ang kanyang bahay kaya naman pinagtulungan na muli ng grupo nina Archie na linisin ito.

Ang pobreng vlogger na mismo ang nagpaligo sa matanda habang ang kanyang mga kasama ay abala sa pag-aayos muli ng bahay ng matanda.

Binilhan muli nito ito ng maayos na mahihigaan at biniyayaan din nila ito ng solar light upang may liwanag naman ito sa gabi dahil sa wala naman siyang linya ng kuryente.

Malungkot man ang lolo dahil mag-isa na muli siya sa buhay, nagpapasalamat naman siya sa muling pagdalawa sa kanya ng vlogger na tumulong ulit sa kanya.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Archie Hilario - Pobreng Vlogger YouTube:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Archie Hilario ay isang vlogger sa Aklan at at dating DJ sa Energy FM Radio. Kilala na ngayon siya bilang si "Pobreng vlogger" na tumutulong sa mga kababayan nating naghihikahos sa buhay.

Read also

75-anyos na lolo, nagsusumikap parin na maglako ng saging para sa pamilya

Kahit ngayong pandemya, patuloy ang pagtulong ng grupo ni Archie. Nito lamang Oktubre ay natulungan nilang magkaroon ng maayos na tirahan ang pamilyang dating nakatira lang sa tagpi-tagping bahay.

At noong Disymebre ng nakaraang taon, isa si Tatay Camlon sa nabigyan ng maagang pamasko ni Archie dahil sa tulong na natanggap nito tulad ng kanyang mga natanggap din ngayong taon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel