GF na nagising na may engagement ring na sa daliri, nagpakilig sa netizens

GF na nagising na may engagement ring na sa daliri, nagpakilig sa netizens

- Viral ang post patungkol sa nobya na sinurpresa ng kanyang BF kung saan sinuotan na siya nito ng engagement ring habang natutulog

- Aminado ang nobyo na mahirap supresahin ang GF ngunit nagtagumpay siya sa pagkakataong iyon

- Walang pag-aalinlangan namang sumagot ng 'Yes' ang nobya pagkagising nito. Nakatanggap na agad siya ng sandamakmak na mensahe ng "Congratulations!" sa dami ng nakakita na agad ng post

- Umabot na kasi sa mahigit 300,000 ang mga positibong reaksyon ng post at marami talaga ang kinilig sa kakaibang engagement na ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena sa social media ang post ni Michael Mayorga sa kung paano niya sinurpresa ang kanyang girlfriend na si Jamilah Williams para sa kanilang engagement.

Nalaman ng KAMI na marami ang kinilig sa kakaibang ideya ni Michael kung saan isinuot na iya ang kanyang engagement ring para kay Jamilah habang natutulog ito.

Read also

Lolit Solis, hindi nagpatumpik-tumpik sa kanyang pahayag tungkol sa isyu ni Nadine Lustre at ng VIVA

"It's 5:00AM, for weeks now I been planning on how to pop the question...You know all my moves and you are one very hard woman to surprise," kwento ni Michael.

GF na nagising na may engagement ring na, nagpakilig sa maraming netizens
Photo from Michael Mayorga
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Aminado mang nahirapang sa pagsusurpresa sa nobya, nagtagumpay naman siya lalo na at natanggap naman niya ang matamis na "Yes" nito pagkagising.

"The jokes on you because now you're going to wake up with 3 surprises... A phone full of congratulations notifications and text, an engagement ring on your finger and a picture of you sleeping that you don't want all over the internet," dagdag pa ni Michael.

Talagang nag-viral ang post at umabot na nga sa mahigit 320,000 ang mga positibong reaksyon na natanggap nito.

Sa hiwalay na post ni Michael, naibahagi nito kung paano siya sinalba ni Jamilah sa matinding depresyong kanyang pinagdaanan dahil sa sunod-sunod na pagkawala ng mga mahal niya sa buhay noong mga nagdaang taon. Doon niya napagtanto na si Jamilah na ang babaeng nararapat niyang pakasalan.

Read also

Jessy Mendiola, binahagi ang pangako ni Luis sa kanya apat na taon na ang nakaraan

Narito ang kabuuan ng post:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kamakailan ay nag-viral din ang sweet na sweet na video ni Miss Everything kasama ang kanyang nobyo. Kinumpirma niya ito sa programang KMJS kung saan pormal na pinakilala na niya ang ang lalaki sa video ang siyang nagpatibok sa puso niya.

Nagpakilig din sa maraming netizens ang video ng pagsurpresa ng misis sa kanyang mister para sa kanilang ika-17 na anibersaryo. Tinupad kasi ng misis ang matagal nang hinihiling ng mister na magkaroong ng magandang klase ng helmet. Napaluha talaga ang mister sa sobrang kasiyahan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel