75-anyos na lolo, nagsusumikap parin na maglako ng saging para sa pamilya

75-anyos na lolo, nagsusumikap parin na maglako ng saging para sa pamilya

- Isang 75-anyos na lolo ang patuloy pa ring magtitinda ng nilagang saging at mais para sa pamilya

- Nakunan pa ito ng larawan kung saan kahit na umuulan ay tuloy pa rin siya sa pagtitinda

- Tanging maliit na tuwalya lamang na nakapatong sa kanyang ulo ang nagsilbing proteksyon niya sa ulan at pansumandaling sumilong upang hindi tuluyang mabasa

- Hiling ng uploader na matulungan ang matanda lalo na at nasa sampung taon na pala na paglalako ang pawang ikinabubuhay nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ang larawan ng isang 75-anyos na lolo na matiyagang naglalako ng nilagang saging sa Barangay Pembo, Makati City.

Ayon sa uploader na si Karen Juliano-Jimenez walang tigil daw sa pagtatrabaho ang lolo kahit na makikitang umuulan nang makunan niya ito ng larawan.

Tanging maliit ng panyo o tuwalya lamang ang naging proteksyon nito sa ulan at naisipan na lamang niyang sumilong para lang hindi siya tuluyang mabasa.

OFW, malapit nang mapirmi sa bansa dahil sa naipundar na mga negosyo
75-anyos na lolo, nagsusumikap parin na maglako ng saging para sa pamilya

Photo from Karen Juliano-Jimenez
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na bukod sa nilagang saging ay naglalako rin ito ng mais na siyang ipinangtutustos nila sa pangaraw-araw na pangangailangan ng kanilang pamilya.

Kwento pa ni Karen, taong 2010 pa mula nang una niyang makita ang lolo na naglalako sa staffhouse ng panindang merienda.

Pakiusap din ni Karen na matulungan ang lolo at sana'y bumili ang mga makakakita sa matanda upang agad na itong makauwi at makapagpahinga.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Labis na mapanganib pa rin para sa kanyang edad na magpagala-gala pa siya sa paglalako dahil patuloy pa rin naman ang paglaganap ng virus at dumaranas pa rin tayo ng pandemya.

Sa comment section, mapapansin naman na naka-tag ang mga kilalang programa sa bansa na tumutulong sa mga tulad ng lolo sa larawan ni Karen na naghihikahos sa buhay.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Lolo na naglalako ng basahan sa viral video, natulungan ni Raffy Tulfo

Kamakailan ay nag-viral din ang isang lolo na bagaman at hirap na sa paglalakad at hindi maigalaw ng maayos ang katawan ay patuloy pa rin sa paglalako ng basahan.

Napansin ito ng vlogger na si Basel Manadil na talagang sinadya pa ang matanda sa Taytay, Rizal para lang maabutan ito ng tulong pinansyal at mabilhan ito ng gamot para sa kanyang karamdaman.

Gayundin ang "hari ng public service" na si Raffy Tulfo na ipinahanap agad ang kinaroroonan ng lolo na nagtitinda ng basahan dahil sa libo-libo ang nag-tag umano sa kanya sa post tungkol sa matanda.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel