Ellen DeGeneres binigyan ang isang Fil-Am nurse ng bagong SUV

Ellen DeGeneres binigyan ang isang Fil-Am nurse ng bagong SUV

- Biniyayaan ni Ellen DeGeneres ang isang Fil-Am nurse ng isang bagong SUV

- Ito ay bahagi ng tribute ng "The Ellen DeGeneres Show" para sa mga frontline workers

- Ang sinasabing nurse ay kinilalang si Flor Maylyn Roz na nakabase sa Los Angeles, California

- Dati nang naging biktima ng COVID-19 si Nurse Flor at matagal din siyang nawalay sa pamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ni-regaluhan ni Ellen DeGeneres ng brand new car ang isang Filipino-American nurse na isa ring COVID survivor.

Ellen DeGeneres binigyan ang isang Fil-Am nurse ng bagong SUV

Ellen DeGeneres (Photo credit: Frazer Harrison)
Source: Getty Images

Bilang pasasalamat sa mga frontline workers sa kanilang sakripisyo ngayong pandemic ay namahagi ng maagang pamasko ang “The Ellen DeGeneres Show”. Ito ay makikita sa episode ng YouTube channel na “The Ellen Show” noong ika-9 ng Disyembre, Miyerkules.

At isa sa mga nabiyayaan nito ay walang iba kundi ang nurse na si Flor Maylyn Roz. Siya at ang kanyang pamilya ay matagal nang nakatira sa Los Angeles, California.

Pauleen Luna, pinakita ang kanyang bagong hairstyle

Ayon sa nurse, nagshi-share daw sila ng kanyang asawa, na isa ring Fil-Am, ng sasakyan. At sa tuwing gamit ito ng asawa ay wala siyang choice kundi makisabay sa katrabaho o kaya ay mag-Uber.

Kung kaya naman ay nagulat at labis ang galak ni Flor nang ibahagi sa kanya ni Ellen ang sorpresang handog. Isa itong puting SUV na Hyundai Palisade. Kasama ng TV host ang executive producer ng kanyang show na si Andy Lassner.

“It’s just amazing what you’ve been doing.. I know that you and your husband are sharing one car. So I’ve partnered with Hyundai and they want to thank you for your service. They want to give you this Hyundai Palisade.” sabi ni Ellen.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Napag-alaman din na si Flor pala ay tinamaan di ng COVID-19 noong Marso.

Kapuso singer na si Aicelle Santos, nanganak na sa panganay na anak nila ni Mark Zambrano

Bilang isang nurse ay hindi maiiwasan na siya ay ma-expose sa virus. Dahil dito ay napilitan siyang layuan ang pamilya niya ng ilang buwan.

Ngunit kahit anong pag-iingat ay dinapuan pa rin si Flor ng coronavirus. Dahil sa pangyayari ay kinailangan niya munang tumigil sa pagtra-trabaho ng ilang buwan. At labis siyang na-apektuhan nito as aspetong pinansiyal. Ito rin ang dahilan kung bakit kinailangan niyang makipagshare ng sasakyan sa asawa.

Sa ngayon, si Flor ay nakabalik na sa trabaho. Pinabaunan din siya ni Ellen ng mga paalala:

“Just know how much we love you and appreciate you.. And when you’re exhausted, in those times that you can barely go on anymore, just remember how many people love you and how many people are so grateful for you.
“Thank you for what you do,”

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kean Cipriano, nagbahagi ng nakakakilig na pagbati sa kaarawan ng asawa

Si Ellen DeGeneres ay kilalang TV host at producer. Isa ang kanyang talk show na “The Ellen DeGeneres Show” sa mga pinaka-popular na programa sa United States.

Sa kasamaang palad ay dinapuan rin ng COVID-19 si Ellen, na kaniyang kinumpirma nitong ika-10 ng Disyembre. Isa lamang siya sa mga celebrities sa iba’t-ibang panig ng mundo na naapektuhan ng virus. Kamailan lang naibalita rin sa KAMI ang pagiging positive sa COVID-19 ng K-pop superstar na si Chungha.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel