OFW, malapit nang mapirmi sa bansa dahil sa naipundar na mga negosyo

OFW, malapit nang mapirmi sa bansa dahil sa naipundar na mga negosyo

- Sa loob lamang ng anim na taon, marami-rami na agad na naipundar ng OFW na ito na malapit nang umuwi at manatili na lamang sa bansa

- Bukod sa sariling bahay at sasakyan, mayroon na rin siyang negosyo na balak pa rin niyang dagdagan

- Pinasok na rin niya ang pagiging isang YouTuber bilang dagdag na rin sa maari nilang pagkakitaan ng kanyang partner na isa namang chef

- Ito rin daw ang kanilang paraan upang makatulong sa ibang mga kababayan natin na gustong magkaroon ng sariling kabuhayan sa pamamagitan ng pagbibigay nila ng mga cooking tips sa kanilang vlog

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kahanga-hanga ang kasipagan at determinsayon ng overseas Filipino worker na si Donisa C. Medel na isang VIP cleaner sa Moscow, Russia.

Naibahagi niya sa KAMI na sa loob ng anim na taon ay marami-rami na rin ang kanyang naipundar para sa pamilya sa Pilipinas.

Read also

Lolo na naglalako ng basahan sa viral video, natulungan ni Raffy Tulfo

Ang nakamamangha pa sa kanya, nagbabalak pa siyang dagdagan ang kanyang mga negosyo upang hindi na talaga siya mangibang-bansa.

OFW, malapit nang mapirmi sa bansa dahil sa naipundar na mga negosyo
Photo from Donisa Medel
Source: UGC

Pinasok na rin nila ng kanyang partner na isang chef ang pagiging isang vlogger. Layunin kasi nilang makatulong sa ating mga kababayan na nagnanais magsimula ng kabuhayan sa pamamagitan ng pagluluto. Nagbibigay sila ng mga cooking tips sa kanilang mga vlog.

Narito ang kabuuan ng nakaka-inspire na kwento ng tagumpay ni Donisa na kanyang naibahagi sa KAMI:

"Ako si Donisa C. Medel, 36 years old, isang VIP cleaner for 6 years na sa Moscow Russia. Isa rin akong YouTuber.

Dating retailer businesswoman ng mga gulay at sari-sari store with ukay-ukay sa Pinas.

May tatlong anak isang college at dalawang elementary. Mabait po ang amo ko itinuturing ako na kapamilya. Sabay-sabay kaming kumain at may mga gift pa sa tuwing may okasyon kagaya ng birthday. May pa-bunos pa sa tuwing darating ang Pasko at may ibinibigay din sila na rest time sa araw-araw ng trabaho.

Read also

OFW, kahanga-hanga ang mga naipundar sa loob lamang ng ilang taon

Ang epekto ng pandemic sa akin ay medyo maliit lang naman kagaya ng hindi namin nagagawa ang normal na dati naming ginagawa like mamasyal lumabas.

Sa ngayon lumalabas lang kami sa tuwing may importante na lakad or may mga kailangan lang talagang bilhin. Sa sweldo naman ay normal lang walang ipinagbago at hindi rin kami nawalan ng trabaho sa awa ng dios.

Nakapagpundar na ako ng motor, bahay at lupa at secondhand car. Nakabili na rin ako ng baka at mayroon na rin akog gravel and sand at hollow blocks business.

OFW, malapit nang mapirmi sa bansa dahil sa naipundar na mga negosyo
Ang bahay na naipatayo ni Donisa para sa pamilya niyang nasa Pilipinas Photo from Donisa Medel
Source: UGC

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ang magandang naidulot sa akin sa pagtatrabaho sa ibang bansa is sobrang nakatulong ako sa aming pamilya at naipundar ko ang kinabukasan para sa pag uwi ko ay meron na kaming ikabubuhay.

Hindi na ulit malalayo sa aming pamilya na siyang mindset naming mga OFW, sacrifice sa una tsaka namin aanihin sa huli ang aming pinaghirapan.

Read also

OFW, alahas ang naisip na ipundar para magamit daw niya sa oras ng kagipitan

Ang realization ko sa pagiging OFW is maging determinado sa lahat ng pangarap mo sa iyong kinabukasan at maging masinop sa pera na iyong kinikita at para sa pag uwi ay meron kang ikabubuhay, dahil hindi madali ang maging isang OFW. Unang-una malayo sa pamilya pangalawa 'pag nagkasakit ka, walang tutulong sayo kondi sarili mo lang. Tapos pag ingatan ang sarili at ang bawat sentimo na iyong kinikita.

OFW, malapit nang mapirmi sa bansa dahil sa naipundar na mga negosyo
Ang hollow block business ni Donisa na isa sa naipundar niya sa pagiging isang OFW Photo from Donisa Medel
Source: UGC

Iyong YouTube ko po Dawniza TV, 3 months palang. May partner/Bf rin ako dito na Pinoy may YouTube rin siya Chef Khryss at chef siya sa isang Japanese restaurant dito.

Videos sa youtube namin: food Recipe tutorial/ cooking tips.

Kaya namin naisipan mag-YT dahil isa na din dito is makatulong sa amin para kami ay maging for good na sa Pinas. At isa pa talagang goal namin is for helping people doon sa mga talagang liblib at mga walang-walang kabuhayan. Gusto namin makatulong kahit kaunti sa abot ng amin makakaya at mai-share na din namin ang aming kaalaman like sa mga cooking tips.

Read also

OFW na may mababait na amo, naipagpatayo ng bahay ang mga magulang

January 2022, uuwi na po ako for good sa Pinas. Bukod sa hollow block business, planning na magpatayo ng Donellas bakery at Donellas mini grocery."

OFW, malapit nang mapirmi sa bansa dahil sa naipundar na mga negosyo
Si Donisa kasama ang kanyang nobyo na si Chef Khryss Photo from Donisa Medel
Source: UGC

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kamakailan, ilang OFW na rin ang nagbahagi sa KAMI ng kanilang kwento bilang OFW na nakikipagsapalaran sa ibang bansa.

Isa na rito ang kababayan natin na alahas ang naisipang ipundar dahil tiyak na mapapakinabangan naman daw niya ito sa oras ng kagipitan.

Mayroon din naman na tulad ni Donisa ay marami-rami na ring naipundar bilang paghahanda sa pagbabalik sa bansa at hindi na muling aalis pa para magtrabaho abroad.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel