Willie Revillame, biniyayaan pa rin ang natawagan kahit na 'wrong number' ito

Willie Revillame, biniyayaan pa rin ang natawagan kahit na 'wrong number' ito

- Binigyan pa rin ni Willie Revillame ng premyo ang kanyang natawagan kahit pa mali ang numero na kanyang nai-dial

- Amindao si Willie na nagkamali umano siya ng napindot na numero ng sumali sa 'Tutok to Win'

- Subalit imbis na ibaba ang telepono dahil mali ang numero, ang natawagan ang masuwerteng nakakuha ng P20,000

- Nang malaman pa ni Willie na mayroong mga anak ang natawagan, binigyan pa niya ito ng tablet

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagkaroon ng maagang pamasko ang natawagan ni Willie Revillame sa noong Disyembre 7 sa 'Tutok to win'.

Nalaman ng KAMI na hindi talaga ito ang caller na sumali sa programa kaya naman laking gulat nito nang matawagan siya ng kanilang 'Kuya Wil.'

Umpisa pa lang ay sinabi na ng lalaki na 'wrong number' si Willie. Nagtaka rin naman ang host dahil isang Ronilla Silvano ang kanyang hinahanap subalit isang Romeo Panti Jr. ang kanyang natawagan.

Read also

Kapuso singer na si Aicelle Santos, nanganak na sa panganay na anak nila ni Mark Zambrano

Willie Revillame, biniyayaan pa rin ang natawagan kahit na 'wrong number' ito
'Wrong number' man, binigyan pa rin ng premyo ni Willie Revillame ang natawagan Photo: Screengrab from 'Tutok to Win'
Source: UGC

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Nang i-check ni Willie ang text message kung saan nila nakuha ang numero, doon niya nakumpirmang mali nga ang nai-dial niyang numero.

Gayunpaman, bilang maayos namang nakipag-usap si Romeo, binigay na rin sa kanya ng kanyang 'Kuya Wil' ang perang nagkakahalaga ng P20,000.

Nang malaman pa ni Willie na mayroong mga anak si Romeo, binigyan pa niya ito ng tablet.

Laking pasalamat ni Romeo dahil kahit hindi naman siya ang dapat na tawagan ng host ay biniyayaan pa rin niya nito ng maagang pamasko para sa kanilang pamilya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Willie Revillame ay isang actor/ TV host sa Pilipinas. Mas nakilala siya bilang isang mahusay na game show host. Ilan sa mga sumikat niyang variety shows ay ang Willingly Yours, Masayang Tanghali Bayan, Wowowee, Willing Willie, Wil Time Bigtime , at Wowowillie.

Read also

Delivery rider na inakusahang nagpakalat ng virus, umalma

Pumatok din ang kanyang mga novelty songs tulad ng 'Yun ka', 'Ikaw na nga' at 'Boom tarat tarat'.

Kamakailan ay ibinahagi ng isa sa kanyang mga co-host sa Wowowin na si Herlene "Hipon Girl" Budol ang mga naitulong sa kanya ng kanyang 'Kuya Wil' lalo na at nasalanta siya ng bagyong Ulysses.

Isa rin talaga si Willie sa mga maimpluwensiyang tao na nagbagsak ng malaking halaga upang makatulong sa mga kababayan nating hinagupit ng sunod-sunod na bagyo noong nakaraang buwan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel