Nasa 400 katao sa India, isinugod sa ospital dahil sa hindi matukoy na sakit

Nasa 400 katao sa India, isinugod sa ospital dahil sa hindi matukoy na sakit

- Umabot sa nasa 400 na mga residente sa Andhra Pradesh, India ang tinamaan ng hindi pa matukoy na sakit

- Labis na nabahala ang mga tao sa naturang lugar lalo na at hindi naman COVID-19 ang sakit na dumapo sa mga ito

- Pagkahilo, pagsusuka, pananakit ng ulo ang ilan sa mga sintomas ng mga nadala sa ospital dahil sa hindi pa mawaring karamdaman

- Pinagsuspetsahan nila ang kontaminasyon ng tubig sa lugar ngunit nang ito ay agad na nai-test negatibo naman ito

- Isa lamang ang naiulat na pumanaw habang ang iba ay patuloy sa pagpapagaling

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Gumulantang sa buong mundo ang nakababahalang sakit na dumapo sa nasa 400 na katao sa Andhra Pradesh, India.

Nalaman ng KAMI na hindi COVID-19 ang dumapo sa daang-daang kataong ito na halos sunod-sunod na nagsidatingan sa iba't ibang pagamutan sa kanilang lugar.

Vlogger, natagpuan na ang viral basahan vendor na kanyang hinahanap para matulungan

Agad na nagsagawa ng COVID-19 test sa mga naisugod na pasyente sa ospital. Subalit lahat naman sa kanila ay nag-negatibo sa patuloy pa ring kumakalat ng virus. Kaya naman mas lalong naging palaisipan kung ano ang dahilan ng nakababahalang sakit na ito.

Nasa 400 katao sa India, isinugod sa ospital dahil sa hindi matukoy na sakit

Photo from Pixabay
Source: UGC

Ayon sa ulat ng GMA News, halos pare-pareho ang sintomas ng mga pasyente na pagkahilo, pananakit ng ulo at pagsususka at karamihan pa sa mga pasyente ang mga kabataan.

Mayroon din umanong nag-seizure na pawang mga kapareho ng sintomas ng epilepsy.

Noong Sabado, Disyembre 5 nang maitala ang unang kaso ng di mawaring karamdaman.

Kinabukasan, isang lalaki ang nasawi dahil dito kaya naman kinuhanan na ng blood samples ang ibang pasyente. Lumabas na walang viral infection ang mga ito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sunod nilang pinaghinalaan ang tubig sa kanilang lugar na maaring kontaminado ngunit negatibo rin ito sa kontaminasyon.

PNP Chief Debold Sinas patuloy sa layuning pagbabawas ng timbang

"The causes of the outbreak are not known yet," ang pahayag ng state government ng Andhra Pradesh ayon sa CNN World.

Isa rin sa tinitingnan nilang dahilan ay ang mga pesticides na di umano'y nasa mga nakaing gulay ng mga naging pasyente ayons sa ABC News.

Sa ngayon, nasa maayos namang kalagayan ang mga pasyente habang patuloy na inaalam ang kanilang karamdaman.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ikalawa ang India sa may pinakamaraming bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa buong mundo.

Kaya naman bukod sa patuloy nilang pakikipaglaban sa nasabing virus, panibagong pangamba na naman ng karamdaman ang kanilang kinakaharap.

Kamakailan ay kumalat ang balitang isang groom sa India ang nakahawa ng nasa 100 mga bisita sa kanilang kasal dahil sa positibo pala ito sa COVID-19.

Mayroon din namang mga Indian na labis na nag-iingat tulad na lamang ng isang negosyante na nagpagawa pa talaga ng mask na yari sa ginto bilang proteksyon niya di umano sa virus.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel