Super Tekla winindang ang kanyang subscribers sa latest vlog prank

Super Tekla winindang ang kanyang subscribers sa latest vlog prank

- Super Tekla pinakaba ang kanyang viewers dahil sa prank siya sa kanyang latest YouTube vlog

- Emosyonal na ipinahayag ng komedyante na mayroon siyang pinapasok sa kanyang buhay na ayaw daw niyang ilihim sa kanyang mga supporters

- Ito pala ay walang iba kundi ang YouTube Silver Play Button dahil sa umabot na sa 100k ang kanyang subscribers

- Kinabahan ang mga netizens dahil inakala nila na si Michelle Bana-ag ang tinutukoy nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nag-upload si Super Tekla ng bagong vlog sa kanyang YouTube channel at ginulat niya ang mga manonood ng sabihing mayroon siyang ipagtatapat.

Super Tekla pinakaba ang netizens sa isiniwalat na rebelasyon

Super Tekla (Photo credit: @superteklahlibrada)
Source: Instagram

Pagkatapos ng masaya nitong pag-shoutout sa kanyang mga subscribers ay biglang nag-iba ang tono ng pananalita ng komedyante. Ayon dito ay kailangang malaman ng kanyang mga manonood ang kanyang isisiwalat.

“Gusto ko lang sanang ipakiusap sa inyo ‘to. Matagal ko na ‘tong dinadamdam, pero as in now ko lang siya sasabihin..
OFW na may mababait na amo, naipagpatayo ng bahay ang mga magulang
“Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob para ihingi sa inyo ito. Alam kong may makakaintindi. Alam kong may makakaunawa, makakasabay sa akin..”

Mas lalong nakakaintriga ang mga sumunod na inihayag nito, at kung pagbabasehan ang kanyang mga salita ay nagpapahiwatig ito ng pagdating ng isang tao o kung ano man.

"Alam kong marami din ang magagalit sa akin. Pero, wala eh, wala akong choice kundi tanggapin. Kailangan kong tanggapin dahil, wala, andiyan siya eh.
“So, di ko naman akalain na dadating siya at kakatok sa pinto ko. So, sino ba naman ako para di ko siya tanggapin at pagbuksan ng pinto? Alam kong magagalit kayo sa akin pero kailangan kong gawin po ito, mga katalsik.”

Ang tinutukoy niyang mga “katalsik” ay ang kanyang subscribers. Hinango ito sa nagtrending na akusasyon sa kanya ng dating kinakasama na si Michelle Bana-ag.

“Napakabigat na desisyon ‘tong gagawin ko pero kailangan ko talagang sabihin dahil deserve niyo rin pong malaman…
Single mom na OFW, may sariling travel and tours business na sa loob lang ng dalawang taon
"At wala po akong kailangang ilihim sa inyo. Wala po akong itatago dahil ayaw ko po kayong lokohin. Ayaw ko pong lokohin ang sarili ko. Lalo na kayong nagmamahal sa akin dahil..”

Kitang-kita ang pag-aatubili sa komedyante na sabihin ang tinutukoy na lihim, nang bigla nalang itong nanggulat.

“Tsaaarrraaan! Dahil dumating na ang aking Silver Play Button!”

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ang pag-emote ni Tekla ay isa lamang palang prank dahil ang kanya talagang tinutukoy na dumating at tinanggap niya ay hindi isang tao. Kundi, ito ang YouTube Silver Play Button na matatanggap lamang ng isang tao or organisasyon kung umabot na sa 100k ang subscribers ng YouTube channel nito.

Maraming viewers ang nagpahayag na kinabahan sila sa ipagtatapat ni Tekla. May mga nag-assume na ang tinutukoy nito ay si Michelle, na dahilan ng muntikan nang pagkasira ng career ng komedyante.

Vingo Regino, emosyonal na inalala ang yumaong kapatid na si April Boy
Super Tekla pinakaba ang netizens sa isiniwalat na rebelasyon

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Super Tekla o Romeo Librada ay isang Pilipinong stand-up comedian, aktor, at host. Sumikat ito nang maging isa sa mga host ng “Wowowin”. Sa ngayon ay mayroon itong sariling show, ang “The Boobay and Tekla Show”, kung saan ay kasama niya ang isa pang komedyante na si Boobay.

Matapos ang naging alitan nila ng dating partner, na nag-viral dahil sa Raffy Tulfo in Action, ay mas dumami ang supporters at oportunidad na dumating sa host.

Isa na nga rito ay ang pag-boom ng kanyang mga YouTube channels, na ang isa ay ka-tandem niya ang kaibigan na si Donita Nose. Pinahanga naman ni Donita ang mga netizens sa pagtulong nito kay Tekla, kung kaya ay tinawag itong “Pambansang Beshy”. Ang kanilang YouTube channel na Donekla in Tandem ay isa sa mga tinaguriang “breakout creators ng YouTube Philippines.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel