Nikki Valdez, isinugod sa ospital matapos maaksidente

Nikki Valdez, isinugod sa ospital matapos maaksidente

- Pinasalamatan ng aktres na si Nikki Valdez ang lahat ng tumulong sa kanya matapos siyang maaksidente

- Sa isang Instagram post ay makikita siyang naka-cast ang isang kamay habang nakaupos sa isang wheelchair

- Hindi naman idinetalye ng aktres ang nangyaring aksidente sa kanya ngunit pinasalamatan niya ang lahat ng nag-alala para sa kanya

- Pinagpasalamat niya ring nakauwi na siya mula sa pagkakaospital at nagpapagaling na lamang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinalita ni Nikki Valdez sa pamamagitan ng isang Instagram post na nakauwi na siya matapos siyang isugod sa ospital dahil sa pagkakaaksidente.

Hindi naman niya idinetalye ang buong pangyayari ngunit nagpapasalamat siya na nakauwi na siya.

Today, I came home with a grateful heart. Much worse could have happened but here I am alive and in one piece (may kamay na bakal lang nga but all good!!). It may take time for a full recovery but I will be diligent in doing everything to feel better.
Ms. Everything, nagbahagi ng love advice sa kanyang mga tagahanga
Nikki Valdez, isinugod sa ospital matapos maaksidente

Photo from Nikki Valdez (@nikkivaldez_)
Source: Instagram

Pinasalamatan din niya ang lahat ng nagpaabot ng mensahe nang malaman ang tungkol sa nangyari sa kanya. Ayaw niya umano maging pabigat sa mga taong nakapaligid sa kanya kaya naging mabigat ang kanyang kalooban.

Kabilang sa kanyang pinasalamatan ay ang kanyang mga kapitbahay na naglapat ng paunang lunas sa kanya. Maging ang mga doktor at nurse ay hindi niya kinaligtaang pasalamatan.

Sa nangyari sa kanya ay hindi umano siya pinabayaan ng kanyang Star Magic family na laging nagtatanong tungkol sa kanyang kalagayan.

My Star Magic family—- Direk Lauren, Ate Nhila and Mo thank you for constantly checking on me and the beautiful flowers you sent to brighten up my day, my Bagong Umaga family— Mamu, Ate Cathy, Ej and each one of you who messaged me I love you all!!

Pinaliwanang niya ring hindi siya makapag reply sa mga mensahe dahil sa kanyang kalagayan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Batang nadismaya sa bag na inorder online, kinagiliwan ng mga netizens

Nakilala si Nikki Valdez sa kanyang pagganap ng mga supporting roles sa mga pelikulang Hey Babe (1999) at Got 2 Believe (2002). Isa siya sa mga Kapamilya stars na hayagang nagpakita ng kanyang pagsuporta sa ABS-CBN nang mapasara ito kamakailan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Isa si Nikki sa mga artistang matapang maghayag ng kanyang saloobin. Matapos pumutok ang isyu tungkol sa korapsyon sa Philhealth, inilabas ng aktres ang kanyang saloobin hinggil sa isyu.

Binuweltahan naman siya ni Jobert Sucaldito matapos umanong ikumpara ni Nikki ang pagpapasara sa ABS-CBN sa anomalya sa Philhealth.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel