Xian Gaza, binigyan ng P10,000 ang kaibigang nagpautang sa kanya ng P1,000

Xian Gaza, binigyan ng P10,000 ang kaibigang nagpautang sa kanya ng P1,000

- Sinorpresa ni Xian Gaza ang isang kaibigan na dating tumulong sa kanya

- Pagbabahagi niya, pinahiram siya ng kaibigan ng P1,000 noong panahong dalawang piso na lamang ang pera niya

- Kaya naman, sa kaarawan nito ay pinadalhan ni Gaza ang kaibigan ng P10,000 bilang ganti sa ginawa nitong kabutihan sa kanya

- Abot-abot naman ang pasasalamat ng kaibigan niya sa hindi inaasahang biyaya na natanggap

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi nag-atubili si Xian Gaza na ibahagi ang kabutihang ginawa sa kanya ng isang kaibigan noong panahong gipit siya. Ibinahagi niya sa social media ang screenshot ng pag-uusap nila ng kaibigan kung saan makikita kung paano siya humingi ng tulong.

Ayon sa kanya, dalawang piso na lamang ang kanyang pera at hindi niya na alam kung paano siya kakain sa susunod na mga araw kaya sinubukan niyang manghiram.

Maja Salvador, ipinakita ang kanyang bagong customized van

Hindi naman nag-atubili ang kanyang kaibigan na pinahiram siya ng P1,000.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Xian Gaza, binigyan ng P10,000 ang kaibigang nagpautang sa kanya ng P1,000

Picture from Christian Albert Gaza
Source: Facebook

Bilang ganti sa nagawa nitong tulong sa kanya, pinadalhan ni Xian ng P10,000 ang kaibigan sa kanyang bank account.

Abot-abot naman ang pasasalamat ng kaibigan niya dahil sa hindi inaasahang biyaya.

Kinabiliban ng netizens ang ginawang ito ni Xian:

Ikaw ang ehemplo ng 'di hadlang ang nakaraan para makabangon. Literal na napaiyak ako, di ka marunong makalimot, Yun ang nakakatuwa, kahit anong yaman mo, wala ka amnesia.
Sa lahat ng mga tao na naging successful sa buhay, huwag na huwag niyong kakalimutan yung mga taong tumulong sa inyo sa panahong naghihirap kayo. Keep safe and God bless idol
Pag ikaw tumulong sa iba..wag maghintay ng kapalit dahil kusang ibabalik ni Lord ang nararapat sayo.. Boss Christian lahat ng tulong na binibigay mo din ngayon e babalik ulit sayo yan..at makakabangon ka muli. Na miss ko yung mga business mo dito sa Concepcion kaya aabangan kita muli sa pag bangon mo.
‘Goin’ Bulilit’ star na si Trina Legaspi, ibinahagi ang video ng proposal ng kanyang fiancé

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Xian Gaza ay unang sumikat sa social media matapos niyang ayain si Erich Gonzales para mag-coffee sa pamamagitan ng isang billboard. Kasunod nito ay laging naging matunog ang pangalan niya lalo na nang madawit siya bilang isang scammer.

Marami ang humanga sa kanya dahil sa ginawa niyang pagtulong sa lalaking nahuling magnakaw ng diaper kamakailan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel