Bea Alonzo, hinangaan dahil sa husay sa ginawang nail art sa isang fan

Bea Alonzo, hinangaan dahil sa husay sa ginawang nail art sa isang fan

- Muling sumubok si Bea Alonzo na gawin ang isang bagay na hindi niya pa nagagawa

- Sa tulong ng isang nail art expert ay inaral niyang gawin ang isang disenyo na napili ng isang tagahanga na naging kaibigan na rin niya

- Matiyagang nakinig si Bea sa mga instruction ng nail art expert na malapit na kaibigan niya rin

- Marami ang humanga sa husay ni Bea sa ginawa niyang nail art na aminado siyang hindi niya pa nagagawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Para sa Bea Does series niya sa kanyang YouTube channel, naispan ni Bea Alonzo na gawin ang isang bagay na gusto niyang talakayin sa kanyang channel dahil palagi umano siyang nagpapaayos ng kanyang kuko sa celebrity nail expert na si Mimi Qiu Reyes.

Ayon pa kay Bea, naging malapit na sila ni Mimi.

Maja Salvador, ipinakita ang kanyang bagong customized van

Isang fan naman na maswerteng nakadaupang palad ng aktres matapos siyang pinakiusapan ni Bea na maging bahagi ng vlog.

Bea Alonzo, hinangaan sa husay sa ginawang nail art sa isang fan

Photo from Bea Alonzo (@beaalonzo)
Source: Instagram

Pagbabahagi ng aktres, nakilala niya ang kaibigang si Jukay (na aminadong isang fan ni Bea) nang magpaayos siya ng kuko sa shop ni Mimi at tatlo lamang umano silang nandoon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Inalok niya si Jukay ng kanyang dala na binigay niya kay Mimi at hindi naman umano tumanggi si Jukay. Ito ang naging umpisa ng kanilang pagkakaibigan.

Habang nakikinig siya sa mga tinuturo ni Mimi sa kanya sa kanyang dapat gawin, nakikipagbiruan din siya sa kanila.

Samantala, nang matapos ang nail art, tuwang-tuwa si Jukay dahil sa ganda ng gawa ng kanyang idolo.

Maging ang mga netizens ay namangha sa husay ni Bea.

Bea knows how to paint so nail art is easy for her.
Batang nadismaya sa bag na inorder online, kinagiliwan ng mga netizens
Sa mga ganitong bagay talaga lumabas yung pagka-artistic at creative ni ate Bea
As always magaling k talaga at nakakatuwa lagi , gawa ka comedy movie .

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Si Bea Alonzo ay nakilala sa husay niya sa pag-arte. Isa siya sa pinakahinangaang katambal ni John Lloyd Cruz. Ilan sa kanilang blockbuster na pelikula ay One More Chance, Miss You Like Crazy, at A Second Chance.

Samantala, kamakailan ay kinumpirma ng ABS-CBN na hindi na kabilang sa Star Magic si Bea. Naging usap-usapan din kamakailan nang mamataan si Bea at si John Lloyd na magkasama.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel