Maja Salvador, ipinakita ang kanyang bagong customized van

Maja Salvador, ipinakita ang kanyang bagong customized van

- Ibinahagi ni Maja Salvador ang isang van tour upang mapasilip niya sa kanyang subscribers ang bagong customized na van

- Pagbabahagi ni Maja, naisipan niyang bumili ng van para mas maging komportable siya kahit nasa malayong location siya para sa trabaho

- Pinangalanan niya ring Ari ang kanyang van dahil binili niya ito para sana sa shooting ng pelikulang Arisaka

- Masayang-masaya umano ang aktres sa kinalabasan ng kanyang pina-customize na van

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Masayang ibinahagi ni Maja Salvador sa kanyang mga subscribers at followers sa social media ang isang van tour kung saan pinakita niya ang loob ng kanyang bagong customized na van.

Pinangalanan niyang Ari ang kanyang van dahil binili niya umano ito para sana sa shooting ng kanyang pelikulang Arisaka.

Ayon pa sa kanya, kaya siya bumili ng van ay para mas maging komportable siya kahit sa mga iba't-iba at malayong locations ng kanyang trabaho.

Read also

Xian Gaza, binigyan ng P10,000 ang kaibigang nagpautang sa kanya ng P1,000

Maja Salvador, ipinakita ang kanyang bagong customized van
Phot from Maja Salvador (@iammajasalvador)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

“Since back to work na ako, nag-decide ako na dapat kumuha ako ng van para mas comfortable ako siyempre sa mga locations at kung saan-saan pa para mas makapagtrabaho tayo ng maigi, ‘di ba?” ani Maja.

Dagdag pa niya, kagaya noong isa niyang van, maraming gamit din na magagamit niya sa trabaho ang ilalagay niya sa bagong sasakyan.

Kabilang sa mga nakalagay sa kanyang van ay 32-inch SMART TV, charging stations, at privacy glass.

Hindi kagaya sa ibang celebrity vans, mas minabuti ni Maja na huwag magpalagay ng higaan dahil hindi umano siya mahilig matulog kapag nasa trabaho siya. Naapektuhan daw ang kanyang energy kapag natutulog siya kaya reclining chair lamang ang kanyang pinalagay para kahit papaano ay makapag relax siya.

Bukod sa reclining feature, meron ding massager at pull-out table ang kanyang upuan.

Read also

Ms. Everything, nagbahagi ng love advice sa kanyang mga tagahanga

Masaya ako kasi siyempre ang van na ito ay parang another bahay ko na — ‘yung umaandar na bahay. First class na first class ‘yung pakiramdam. ‘Yung sobrang mare-relax talaga ako," aniya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ang pagkakaroon ng customized van ay nauuso sa mga artista lalo at kailangan nilang maging komportable matapos ang kanilang mga taping na maaring maganap sa malalayong lugar. Ilan lamang sa mga artistang may customized van ay sina Vice Ganda, Mariel Padilla, Robi Domingo, at marami pang iba.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel