‘Goin’ Bulilit’ star na si Trina Legaspi, ibinahagi ang video ng proposal ng kanyang fiancé

‘Goin’ Bulilit’ star na si Trina Legaspi, ibinahagi ang video ng proposal ng kanyang fiancé

- Kinakiligan ng mga netizens ang emosyonal na proposal video ng dating Goin Bulilit star na si Trina Legaspi

- Dito ibinagi ng aktres ang ilang kanyang pagkasorpresa sa inihandang proposal ng kanyang long-time boyfriend

- Hindi niya napigilang maiyak nang mapagtantong proposal pala para sa kanya ang mangyayari

- Bumuhos ang pagbati mula sa mga kaibigan ni Trina sa showbiz pati na ang dating mga kasamahan sa Goin' Bulilit

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang kinilig at naantig sa proposal video na ibinahagi ni Trina Legaspi sa kanyang YouTube channel.

Ibinahagi sa nasabing video kung paano pinaghandaan ng kanyang fiancé na si Ryan Jarina ang proposal sa kanya.

Base sa nasabing video, naganap ang proposal sa isang barbershop noong November 22. Walang kaalam-alam si Trina na mauuwi sa engagement ang pagpunta nila ng kasintahan sa naturang barbershop para mag-inquire.

Ms. Everything, nagbahagi ng love advice sa kanyang mga tagahanga
‘Goin’ Bulilit’ star na si Trina Legaspi, ibinahagi ang video ng proposal ng kanyang fiancé

Photo from: Trina "Hopia" Legaspi
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Makikita sa nasabing video na tila umiwas pa si Trina nang makita ang mga nakahandang setup para sa isang proposal sa pag-aakalang mayroong ibang magpopropose sa nasabing barber shop.

Matapos pilitin ng kasintahan, napilitang pumasok si Trina at nagulat nang makita ang kamag-anak nilang pareho.

Hindi maitago sa mukha niya ang pagkabigla nang mapagtantong para sa kanya pala ang proposal na magaganap. Nang tuluyan nang lumuhod si Ryan habang hawak ang kahon na kung saan nakalagay ang singsing, hindi na napigilang maging emosyonal ng aktres.

Si Katrina Legaspi ay isa sa mga child star na sumikat sa youth oriented show na Goin' Bulilit kung saan kasabayan niya sina Kathryn Bernardo at Julia Montes. Noong 2016 ay muli siyang nagbalik sa pag-aartista matapos niyang lisanin ang mundo ng showbiz upang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Nagtapos siya sa kursong Communication Arts sa Miriam College.

Maja Salvador, ipinakita ang kanyang bagong customized van

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Matatandaang unang ibinahagi ni Trina ang balita tungkol sa kanyang engagement noong November 29. Bumuhos ang pagbati mula sa mga kaibigan ni Trina sa showbiz pati na ang dating mga kasamahan sa Goin' Bulilit.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel